CHAPTER 4
"SO anong plano?" Tiningnan ko sila isa-isa bago ako tumikhim at nagsalita.
"I'm gonna use someone to get back what I've lost," pagtukoy ko kay Sage na may iba nang nililigawan ngayon. "I will use the nerd," pagpapatuloy ko dahilan para mailuwa ni Alcoriza ang kinakain na pasta. Gross. Nanlalaki ang mata niyang napatingin sa akin.
"Seriously?!" hindi niya makapaniwalang tanong sa akin. Napatango ako kaya mas naubo siya. Hinagod naman ni Archdave ang likod niya. "Gagamitin mo ang kawawang nerd na iyon na walang kaalam alam?"
"Wala namang mawawala di’ba?" tanong ko sa kanila.
"Actually, meron Dana. Iyong reputation mo sa school. Ano na lang sasabihin ng lahat if malaman nilang gumagamit ka ng iba for personal purposes? Are you insane?" Nakataas ang kilay ni 'Riz kaya tumaas rin ang kilay ko. Mukhang nakabawi na siya mula sa pagkabigla nang uminom ng tubig.
"C'mon Pixie Dust, I know you're such a goody-goody. Pero please, shitty please, support me this time." Ngumisi ako at huminga siya ng malalim.
"Dana, you know that we cant tolerate you. Right, Arch?" baling niya kay Archdave na ngumiwi sabay tingin sa akin. Meaning, nakiayon na rin siya sa plano ko. Nasapo na lamang ni Alcoriza ang noo niya.
"Tss. Okay fine. Pero kung ano man ang resulta niyan, labas na kami doon," saad niya kaya napapalakpak ako. Sabi na nga ba! No one can resist my smile! Di uso sa akin ang mighty pout eh. Just a plain evil grin.
"S’yempre positive ang result--oops, shut up na ako!" Tumigil sa pagdada si Archdave nang kapwa namin siya tingnan ng masama. Gosh, ano bang problema ng bruhang to?
"So, paano sisimulan?" Tumingin ako sa kisame at nag-isip isip. Natahimik rin sila.
"First, he must sign a contract," bulalas ni Alcoriza kaya nagkatinginan kaming tatlo.
***
"ANG tagal naman niyang lumabas," bulong ko at sumilip silip sa room ng nerd na si Raze. Yeah, oras ng klase pero heto ako at iba ang inaatupag. I ditched my class para lang makausap siya. He's freakin' lucky. Napabuga ako ng hangin nang magring ang bell, hudyat na dismissal na.
"Hi!" Humarang ako sa daraanan niya. Nagulat naman siya kaya agad niyang inayos ang kanyang eyeglasses sabay sara ng binabasang libro. Oh, hanggang dito ba naman sa hallway, libro pa rin ang kapit niya?
"D-Dana?"
"Yeah! Ako nga!" masaya kong sambit. habang taas-baba ang kilay. Hokage moves. And I'm a Hoka-girl.
"Wow, Raze? Girlfriend mo? Naks naman. Hindi kami na-inform na Tourism pala ang target mo, boy."
"Nakabingwit ka, ahh!" pansin sa amin noong dalawang lalaki na dumaan sa may tabi. Nagtawanan pa ang mga gago. Ngumiti na lang ako ng pilit.
"Ipaubaya mo na lang ‘yan samin!" sigaw pa noong isa kaya nagpantig agad ang tenga ko. Mayamaya ay sumipol pa ang isa habang pinapasadahan ng tingin ang katawan ko. Aba ampota! Manyak ata ‘to eh! Naramdaman ko ang paghatak sakin ni Raze palayo kaya sumunod na lang ako.
"T-tara na."
***
"BAKIT ka pala naparito?" tanong ni Raze at inilapag ang dalawang softdrinks sa harap namin. Alinlangan akong napangiti. Sasabihin ko na ba ng diretsahan na kailangan ko s’ya sa plano ko? O magpapaligoy-ligoy muna ako?
"Uhhhh. Just wanna request you a favor," alinlangan akong ngumisi. Pakiramdam ko, sobrang kahihiyan to, eh. Paano ko ba sisimulan?
"R-Raze?"
"Hmmn?" Hindi s’ya lumingon dahil busy pa rin siya sa pagbabasa. Huminga ako ng malalim at saka tinitigan siya. Okay. This is it.
"C-CAN YOU BE MY BOYFRIEND FOR THREE MONTHS?"
Agad akong napapikit at naghintay sa reaksyon niya pero wala. Idinilat ko ang mata ko, nakatingin lang siya sa akin na parang gulat na gulat. Oh sh*t. Eto na ‘yon.
***
"YOU'VE got to be kidding me," natatawa niyang komento nang ilatag ko sa harapan niya ang papel na kasunduan na magiging boyfriend ko siya at ang mga plano ko para bumalik sa akin ang ex ko.
"There's no way I could be kidding you. This is a serious matter." I raised my eyebrow.
"You're a joke, Dana. This is a big prank. If you only want a 24-hour jowa challenge, please huwag ako," tanggi niya kaya napakunot ang noo ko. Anong 24-hour? I need a boyfriend who could stick with me more than 24 hours. I rolled my eyes up in the air.
"Within three months gagawin natin ang plano. In return, you'll get the fame. Basta ba dumikit ka lang sa akin," pangungumbinsi ko sa kanya at inilapag ang contract sa mesa. As expected, tinitigan lang niya ito. The hell! Wala ba s'yang balak basahin yung papel?!
"Pinagloloko mo ba ako? Gagamitin mo ako for your own interest? Ayos ka lang ba?" kalmado niyang tanong sabay ayos ng big eyeglasses niya. Napairap na lamang ako at napabuga ng hangin.
Listen, we could be both beneficiaries here. Give and take lang tayo, panghihikayat ko."At sa tingin mo magpapagamit ako?" dagdag pa niya. Napabuga ako ng hangin. More temper please? C'mon Dana, mukhang wala kang mapapala rito kundi tumunganga sa nerd na ito.
"Okey fine. I'll give you more time." Tumayo na ako at tinapik siya sa balikat.
"Take time Nerdy boy. I'll go ahead," dagdag ko pa. Nginitian ko na lang siya at saka tumalikod na. Konti na lang. I'll be heading to my good and peaceful revenge with the help of that Nerd.
***
PADABOG kong isinara ang pinto ng violet cooper car ni Archdave nang makapasok ako. I cussed multiple times dahil sa palpak ang plano. Medyo sariwa pa sa alaala ko ang mukha niyang ayaw pumayag sa pabor ko.
"Oh? Anong nangyari sa feslaks mo?" usisa niya ng nakataas ang kilay.
"Gumana ba?" gatong pa ni Alcoriza. Tinitigan ko lang sila at mukhang alam naman nila ang ibig sabihin noon.
"Drive. We're gonna take the plan B." Ngumisi ako nang marinig ko ang wika ni 'Riz. Last time I checked, shes against my idea. Now, shes already our mastermind.
***
"KASI nga, marami namang iba diyan di’ba? Iyong kayang magpanggap at willing magpagamit! Bakit iyong nerd pa diba?" bulalas ni Archdave at nilaklak ang softdrinks niya.
"Because he's unique. I can see potentials in him. Magagamit ko talaga ang features niya," agad kong sagot at tumango tango silang dalawa.
"Luhh? Anong features ang magagamit mo roon? Ikaw na ang may sabi na hindi s’ya isang ideal guy at boyfriend material! Paano magseselos ang isang Sage roon kung alam naman niyang mas lamang talaga siya lalo na sa kagwapuhan at kasikatan? Utak rin minsan Dana, ha? Huwag mo ilagay sa talampakan!" prankang litanya ni Alcoriza dahilan para mapaisip ako.
Oo nga no? Bakit ba siya ang natipuhan kong gamitin?"Ehh kung tumigil ka na lang kaya? Tutal masaya na si Sage sa bago niya? Parang mas magandang plano ‘yon?" Sinamaan ko ng tingin si 'Riz.
"Ooh, sabi ko nga. Go for it," pag-iiba niya ng usapan.
"Mga bruha, huwag na kayong mag-alala. Ako na ang gagawa ng paraan. I'll make bawi- bawi Papa Sage at akin na lang s’ya." Ngumiwi kami dahil sa sinabi ni Archdave.
"Pakshet ka, Archdave! Baka gusto mong ipalapa ko ang katawan mo kay Nieca na baliw na baliw sa’yo?!" nanlilisik ang mata na sambit ni Alcoriza. She's being highblood again. I can see her vein loosing out from her neck. Talo pa si Hulk, ah.
Bigla namang namutla ang bakla."No way! Over my dead hot sexy and gorgeous body!" Humagalpak na kami ng tawa dahil sa reaksyon niya. In case you don't know, obssess ang bruhildang si Nieca sa bestfriend ko. Now you know, why Archdave must play hide n' seek everywhere kapag nandiyan na si Nieca. Nag-iingat lang siya. Cause he'll never know, baka sumulpot na lang iyon basta-basta at gahasain to. Kawawang bakla. Hindi na lang kasi magpakalalaki, eh.
***
BINABASA MO ANG
My Nerd in Shining Glasses
Teen FictionDana Maxwell is a typical legendary brat who cannot move on to her ex because she loves the guy so much. She experienced many heartaches and anxieties because of what happened. In order to get back her past boyfriend, she planned to use the innoncen...