CHAPTER 7
"HINDI mo alam ang buong kwento." Ngumiti na lang ako nang mapakla at tumingala para huwag maiyak ulit.
"Iyon na nga. Hindi ko alam ang buong nangyari tapos madadamay ako. Dana, stand by the mere fact na minsan may mga bagay na dapat nang i- give up..." Wala akong maintindihan sa sinasabi niya dahil nakatuon ang atensyon ko sa kina Sage at JhunaMae na magkasama. Sandali pa ay nagkatitigan kami ni Sage.
"Kundi masasaktan ka lang---" Hindi ko na alam ang gagawin ko para lang iparealize kay Sage ang kawalan ko sa kanya. Sa sobrang frustration ko ay kinabig ko ang batok ni Raze at hinalikan siya. Nanlalaki ang mata niya at ako naman ay nakatitig kay Sage na nasa likuran lang niya.
Gulat. Ang nakikita ko sa mukha niya. Napapikit na lang ako.Why am I kissing this guy?
"S-Sage...T-tara na, narinig kong sambit ni JhunaMae kaya ilang minuto pa ay kumawala ako kay Raze. Habol naman niya ang hininga niya.
"S-sorry." Umiwas ako ng tingin at pinahid ang tumutulo kong luha. Walang lingon-lingon akong nagtatakbo palayo sa kanya. Natutop ko na lang ang bibig ko at napahikbi.
***
"WHOA! Hello nerdy brat!" Napatigil ako sa paglalakad nang harangin ako nina Neva.
"May kailangan kayo? Kung wala, let me pass," sarkastiko kong sambit at tumingala. Pinahid ko ang mga luha ko. Pero bago ko pa sila matingnan ay bumuhos ulit sa akin ang napakalamig na tubig. Suminghap-singhap ako at napapikit. Ghad. Sobrang lamig.
"Time out muna sa kadramahan Ms. Drama Queen. Try this out," alok ni Neva habang nakataas ang kilay. Lumapit sa akin si Nieca at itinaktak sa akin ang laman ng kahon. Mga balahibo ng manok. At dahil nga sa basang basa ako, dumikit na ito, hindi matanggal. Napangiwi na lamang ako.
"Nerdy girl, look here!" Napatingin ako kay Janelle na may hawak na videocam. F*ck. Sobra-sobrang kahihiyan na 'to. Unti-unti kong narinig ang mga halakhakan. Their insulting laugh, I hate them as hell.
"Basang sisiw, starring Miss Dana Maxwell."
"HAHAHAHAHAA!" Halos hindi ko na sila matingnan nang diretso sa mata. Ang alam ko, sirang-sira na ang pagkatao ko. Napaubo ako ng paulit-ulit.
"Anong pakiramdam ng iniwan at pinaglalaruan ngayon ha, Dana?" sarkastikong tanong ni Neva kaya napatitig ako sa kanya. Ang kapal naman niya. Ako? Niloko n’ya? I know, what she's been doing to me is for her personal purposes too.
She likes Sage a lot. But Sage hates her. Nainsecure lang siya dahil ako ang mas pinili ni Sage kaysa sa kanya. but sad to say, wala na ang pinaglalaban niya. Because Sage chooses JhunaMae over me.
Bago ko pa masampal ang pagmumukha niya ay naramdaman ko na ang isang kamay na humatak sa akin palayo sa lahat. Sa lahat ng kahihiyan ko. Napatingin ako sa balikat ng naghatak sa akin. What the...
"R-Raze?" gulat kong tanong pero ‘di siya umimik. Sa halip ay inayos niya ulit ang eyeglasses niya. Napaiwas ako ng tingin. Oo nga pala. Bakit nga ba niya ako iimikan?
Galit s’ya sa akin. Sa pagpilit ko sa kanya. Sa paghalik---no! Scratch that. Ugh. That was my worst mistake in my entire life. I kissed a nerd! WTF! Imbes na tumigil sa paglalakad, nagpahatak na lang ako sa kanya. Honestly, I don't care anymore. Gusto ko lang ay makalayo dito.
***
"GOOD thing wala pa ang ate ko. Gamitin mo muna ang bathroom niya," suggestion ni Raze saka inihagis ang malinis na towel.
"T-thanks," sabi ko na lang at umiwas ng tingin. Kahiya-hiya pa rin iyong ginawa ko kanina. Sht. Lamunin na sana ako ng lupa. Ang kapal din talaga ng mukha ko para sumama rito sa bahay nila. Huhuhu. Wala akong magagawa, nanlalagkit na ako kaya kinain ko na lang ang pride ‘chicken’ ko.
"If you need anything, nasa second floor lang ako. Reviewing." Tumango-tango ako. With that, umakyat na siya sa taas. Bumuntong-hininga ako at pumunta na sa bathroom.
***
-ALCORIZA-
"NASAAN na si Dana? Gumana kaya ang plano ng babaeng yun?" sambit ko saka sumipsip sa binili kong shakes.
"I'm sure she's doing fine but not so great. Kailan pa ba nagbunga ang plano niya? Haller? Palpak ‘yun for sure!" litanya ni Archdave habang ikinukumpas ang kamay niya. Nanlaki naman ang mata niya nang samaan ko siya ng tingin. Wala ba tong tiwala sa kaibigan naming babaita?
"Anyway, change for the better ang tema niya." Kinalikot ko na lang ang cellphone ko. Nasaan na ba ang bruhang ‘yun? Wala man lang text or call akong nare-receive. Don't tell me, nagde-date sila ng damssel in distress niya? Ooops, sorry. I'm pertaining to the nerdy Raze. Hindi ko naman masisisi si Dana. Mahal niya si Sage. Or mahal pa rin niya?
Come to think of it. Sage lose her. The most valuable treasure on his fuck up life. Kahit spoiled brat ng Dana namin, she's too serious in love. That's why she'll do everything. Exactly everything.
"Waaaaahh! Come to me sweetieee Archdave!!"
Nagback-to-reality ako nang makarinig ako ng napakalakas na tili. Ugh. Ang megaphone na boses na ‘yun. Alam kong si Nieca na baliw na baliw na naman kay Archdave. Jusmiyo. Hanggang dito ba naman?
"Itago mo ‘ko! Ayoko pang magahasa! Huhuhu! Nai-stress ang nerve ko!" nakangiwi niyang sambit at luminga linga pa. Halos matawa naman ako sa reaksyon niya.
"Bes, nakita mo ba yung kahiya-hiyang nangyari kay Dana?"
"Ahahaha! Nakakatawa nga, eh. Bagay sa kanya."
"Hindi dapat ganoon ang term, it should be, she deserves it."
Nag-vibrate ang tenga ko nang makarinig ako ng tawanan at hagikhikan. Biglang kumulo ang dugo ako. Mukhang napagtripan na naman ng mga bruhang iyon ang bestfriend ko.
"Hoy! Bruha, saan ka naman pupunta?!" nanlalaki ang matang tanong sa’kin ni Archdave nang tumayo ako.
"May tuturuan lang ako ng leksyon." Ngumisi ako. "For now, enjoy the company of your sweetifie Nieca," dagdag ko pa kaya mas lalo siyang namutla.
"No way!? Sasama ako---"
"Uwaaaaaaaah! I miss youuu!!"
"Waaaaah! I'm gonna die!" Kahit papalayo na ako ay rinig ko pa rin ang tili ng baklang si Archdave.
"TINGNAN mo 'to. Panoorin mo. Hahaha!"
"Ooh, c'mon, what a loser she is." Mas lalo lang nag-iinit ang dugo ko nang marinig kong nag-uusap sina Janelle at Neva. Si Nieca? Pasalamat siya, at ‘di siya ang una kong tatargetin. Yah, Im a volcano ready to erupt. And any minute, I'll reach my boiling point. I grip my left fist using my right hand and grin. Let the eruption begin.
***
BINABASA MO ANG
My Nerd in Shining Glasses
أدب المراهقينDana Maxwell is a typical legendary brat who cannot move on to her ex because she loves the guy so much. She experienced many heartaches and anxieties because of what happened. In order to get back her past boyfriend, she planned to use the innoncen...