CHAPTER 3

56 5 0
                                    

CHAPTER 3

"ANONG revenge?" naguguluhan kong tanong. Lumagok muna siya ng alak at ngumisi sakin. Iyong ngisi na parang may masamang binabalak.

"Akitin mo siya!" bulalas niya at tumingala pa na parang feel na feel ang mga iniimagine. Ngumiwi ako at sa isang iglap ay nakatanggap siya ng batok mula kay 'Riz.

"Gaga! Anong klaseng revenge ‘yan ha?! Utak mo ata may ubo, ugok. Sana naman may vaccine para mapuksa lahat ng kalandian mo sa katawan!" Halos madapa naman ang bakla sa sapak na tinamo. Oh sh*t. They're crazy.

"Alam mo Dana, kung magte-take revenge ka, pag-isipan mo. May mga consequences kasi. Remember na hindi lang ikaw ang maaapektuhan ng gagawin mo, pati ang mga taong involve rito." Napakamot ng ulo si Alcoriza. Agad naman akong tumango-tango.

"Or pwede ka ring gumamit ng ibang tao. Di’ba? Usong-uso ngayon yon eh, rebound? Hays. Okey, shut up na lang ako." Mayamaya ay nakita naming namutla si Archdave at nakatingin sa may counter.

"O-okay, mga bruha! Gogora na muna a-ako. B-Bye!" Pagkakuha ng sling bag niya ay agad na siyang tumalilis at sa fire exit pa dumaan ang bruha. Sa counter ay nakita ko si Nieca na umu-order ng alak.

Wait? I smell something fishy. And that's not Bangus.

***

"MATAGAL pa ba Dana? Nangangati na ako dito ee!" reklamo ni Alcoriza kaya agad ko siyang siniko-siko.

"Shut up, 'Riz. Hindi mo ako pinagtanggol kahapon kaya bumawi ka ngayon," mataray kong sambit na walang lingon-lingon. Busy ako sa paggamit ng telescope. And yes, nandito kami, nagtatago sa bushes para matyagan ang ex ko at ang bago niya. Nagpasama pa talaga ako kay 'Riz, or more like hinatak ko lang siya rito. Hindi na nakapalag ang bruha.

"Ssssh! Anong nakikita mo?!" pabulong niyang sambit. Halos lumuwa naman ang mga mata ko nang maaninaw ko silang dalawa. Si Sage at si JhunaMae. The hell! Iyan ba ang pinalit niya sa ganda ko? Bitch please?

Di ko na napigilan nang hablutin ni Alcoriza ang telescope at siya naman ang sumilip.

"Oh my. She's JhunaMae, the Campus Geek from Communication department. And oh, they're perfect together, nanlalaki ang matang bulalas ni 'Riz dahilan para magpantig ang tenga ko. No way. They're not perfect. Me and Sage are the perfect match. Ugh! What am I thinking?

***


"HUHUHU! Tissue please?" I sniffed.

"Diyos ko! Dana! Umayos ka nga! Iniiyakan mo na naman ang mokong mong ex na wala na namang pake sayo! Kapag ba nadehydrate ka sa kakaiyak, babalikan ka niya? Hoy bruha, uso ang move on!" bulyaw sa akin ni Alcoriza at agad akong binato ng dalawang box ng tissue. Patuloy pa rin ako sa pagngawa rito. Ang sakit sakit kasi! Dapat ako ang ka-holding hands niya kanina! Pero ang lumabas ako ‘yung dakilang stalker ng ex ko. Ex na mahal na mahal ko pa rin kaya ako nagkakaganito!

"Huwag kang ngumawa ng ngumawa d’yan! Gumawa ka na lang ng paraan. Tss. Alam mo, hindi kita dadamayan sa katangahan mo ngayon kasi ikaw mismo ang gumagawa ng dahilan para saktan ang sarili mo." Nilingon ko siya at agad pinahid ang luha ko.

"Then I'll get my revenge," pagdidiin ko at saka lumabas ng kwarto. Naiwan si 'Riz na nakanganga.

***

"AND’YAN na naman siya, ohh."

"Tss. Hindi na nadala. Balita ko kasi hinahabol pa niya si Sage hanggang ngayon. Napakalandi talaga."
Kung tutuusin dapat akong masaktan sa mga naririnig ko ngayon dito sa hallway pero the good thing is, manhid na ako. At ang gusto ko lang naman ay makaganti.  Just wait and you'll see. The real and unique strategy of Dana Maxwell. I'm not called Dana-of-all-trades for nothing.
Ngumisi na lamang ako at nagpatuloy sa paglakad patungo sa locker ko. Pagbukas ko ng locker ay tumambad agad ang napakaraming basura. Muntik na akong mapasigaw nang lumabas mula sa locker ko ang isang malaking daga.

My Nerd in Shining GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon