CHAPTER 2

70 8 0
                                    

CHAPTER 2

SA sobrang boring ay ‘di ko maintindihan ang mga ipinapaliwanag niya. At wala talaga akong balak intindihin. Pumapasa ako dahil sa tuition, hindi dahil sa score ko sa exam niya. Pinasadahan ko rin ng tingin ang mga kaklase ko, sila rin man ay walang balak makinig at may sari-sariling mundo.

"Psh." Napangiwi na lamang ako nang mapagawi ang tingin ko sa bintana. May nakikita ako mula sa baba. Isang lalaking may baduy na salamin at outfit. Pinapaligiran siya ng tatlong babae. Kung hindi ako nagkakamali, binubully nila ang lalaki.

Babae? Babae pa talaga ang bumubully sa kanya. Kaawa-awang nerd, hindi man lang matutong lumaban. Pagka-ring ng bell ay isinukbit ko na ang bag ko, diretso labas ng room.

"Watch and learn." Nakarinig ako ng bungisngisan. Hindi pa man lang ako nakakalayo ay bigla na lang may pumatid sa paa ko dahilan para matumba ako. Masakit sa tuhod dahil sa impact ng pagkabagsak lalo naman sa paa dahil nagkataong nakasuot pa ako ng heels.

"Ouch!" Ngumiwi ako sa sobrang sakit ng paa ko. Gumapang ako at pinilit tumayo pero napasinghap ako nang buhusan naman ako ng tubig. Sobrang lamig. Paulit-ulit akong napasinghap.

"See? Ice bucket challenge!" nakangising sambit ng isang bruha sa harapan ko.

"You bitch! Run and I'll chase you!" mataray kong sambit at ngumisi na lamang kahit sobrang nanginginig na ako dahil sa lamig. This is unexpected. I must have been ready for this scene, para hindi ako kawawa ngayon.

"Neva, pahingi pa nga ng isang timbang tubig. ‘Yung maraming yelo please?" panunukso ni Janelle habang nakatingin pa rin sa akin at nakangisi. Ugh. How I wish to slash her throat using my bare hands.
Napapikit na ako at inaabangang buhusan ako ng napakalamig na tubig.

5..

4..

3..

2..

1...

Teka nga? Wala ba?

Ramdam na ramdam kong walang malamig na bumuhos sa akin instead I felt a warm cloth that covered my wet uniform. Naidilat ko ang mata and to my surprise, isang lalaki ang ngayong nakatayo sa harapan ko. Ang baduy ng pananamit niya at may malaking salamin. Damn. He looks like a freaking owl. Napanganga na lamang ako at pilit tumayo.

"I-itigil n’yo na ‘to. This is a-against the schools rules and regulations," nauutal niyang sambit doon sa tatlong babae. Nasa likod lang niya ako. Mygad, pinagtatanggol ba ako ng nerd na'to? Neva laugh slowly and pointed me.

"Ha-ha-ha! Your knight in shining armor, huh?" sarkastikong sambit niya sa akin.

"No. More like her nerd in shining glasses," saad ni Janelle at tumawa pa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Dana Maxwell, ganyan ka na ba kadesperada na humanap ng bagong boyfriend kaya pati ang kawawang nerd pinatulan mo na?" pang-aasar naman ng naka-cross arm na si Nieca. Napuno ng kantyawan at tawanan ang buong hallway. Inilibot ko ang paningin ko, pinapalibutan nila ako. Shit. Ganito na ba ka-worst ang image ko?

"Oh? Bakit ‘di ka makasagot? Tama kami di’ba?" Mas tumindi pa ang tawanan. Napalunok ako para pigilan ang maiyak. F*ck! Ang sakit lang sa lalamunan magpigil. Sa sobrang kahihiyan ay agad akong nagtatakbo palayo. Rinig na rinig ko pa rin ang tawanan nila. Kaya kahit paika-ika ay nagawa kong makapasok sa restroom at maisara ito.

"Ugh." Napasandal ako sa pinto at napaiyak dahil sa nararamdamang sakit. Emotionally and physically. Awang-awa ako sa sarili ko ngayon. Where's the brat and wicked Dana? I cant see her anymore. Yeah, I'm absolutely weak. I maybe brave on the outside, but I am really broken and fragile inside. At iyon ang bagay na ayaw kong aminin kahit kailan. I covered my weak side with this thick make-ups and mascara knowing na masisira at makikita rin pala ang tunay na ako kapag tumulo na ang mga luha ko. Napatingala ako sabay pahid ng mga luha ko sa pisngi.

Tiningnan ko na lang ang sarili kong repleksyon sa salamin. Mga ilang minuto lamang akong nakatulala nang makarinig ako ng mga mabibilis na yabag mula sa labas.

"Waaaah! Bilis! Balita ko may pinopormahang new girl si Sage sa kabilang department!"

"Oh my! Tara na! Gusto kong ma-witness!" Napahawak ako bigla sa dibdib kong parang may tumamang sibat. Masakit. Sobrang sakit.  So kaya pala siya nakipagbreak kasi may bago na? Ganoon ba ako kadaling palitan? Akala ko wala nang sasakit doon sa pagpapahiya sa akin kanina. Meron pa pala. Pumikit na lang ako at hinayaang tumulo ang mga peste kong luha.

Matapos ang madrama kong senaryo sa restroom ay lumabas na ako. Nakapagpalit na ako ng damit, uuwi na lang ako. Mayamaya ay napatigil ako sa paglalakad nang may maalala.

‘Yung nerd.

Lumingon ako sa pinanggalingan ko pero wala nang tao. ‘Di na ako nagtaka dahil alam kong kanina pa nag-start ang klase. Napakamot na lamang ako sa kilay ko at dinukot ang phone mula sa bag. Idinial ko ang number ni Archdave.

"Hello, bakla. Tara sa bar. Now na."

PAGPASOK ko pa lang sa bar ay halo-halong amoy na ang nalalanghap ko. Dagdagan pa ng napakalakas na music. Talaga namang mawawala ang stress at problema mo.

"Hoy! Bakla! Dito! Im here!" Nakuha ng atensyon ko ang isang lalaki---I mean, to be honest, hindi ko alam kung ano bang gender niya. Archdave's a gay with his violet scarf on his freakin' neck.  Tsk. Nag-e-evolve na talaga ang mundo. Ang ideal man sana na pinapangarap ng karamihan, naging dalagang Pilipina na rin. Hes really an evolving Maria Clara in Ibarras nut shell.

Gwapo sana kaso bumigay, eh. But he's one of my goody-goody besties na kasama ko through heartbreaks and walwalan. I must labeled him as my real bestfriend together with Alcoriza in this world full of plastic hoomans.

"Hey!" bati ko sa kanya at nagbeso-beso pa kami.

"Bakit ka nagyaya? May problema ka ‘no? Tell me, bukod sa nakipagbreak sayo si Papa Sage!?" bulalas agad niya kaya napangiwi na lamang ako.

"Actually, marami akong problema ngayon. Dagdagan mo pa kung paano kita gagawing tunay na lalaki." This time siya naman ang ngumiwi.

"Kalerkey ka, bakla. Huwag ako, iba na lang, please?" saad niya sa malanding tono kaya agad ko siyang sinapak.

"So spill it out. Ano bang problema?  Ohhhh, here comes the bruha." Sinundan ko ang tingin niya at nakita kong papalapit sa upuan namin si Alcoriza at may bitbit nang cocktail. Ay teka, I almost forget about her at school. Dapat pala sinabay ko na ang isang to kanina pa.

"Yow! I'm sorry Dana for not being there sa encounter mo with that bitches," sambit niya with a worried look on her face. Alam kong nakarating na agad ang balitang iyon sa department nila since maraming chismosa na nagkalat. At si Riz pa kaya? Mahuhuli ba to sa balita? Eh bago pa ata maibalita ng 24 Oras, sa kanya muna daraan ang mga information. Ewan ko ba, kung bakit nag-Culinary Arts ang isang to. Pwede namang mag-MassComm na lang.
"Okey na ako. No worries."

"Wait. Nakipag-warlush ka? Oh my. Dapat na- inform ako para ako mismo ang humatak sa mga balun-balunan nila!" Humagalpak ng tawa si 'Riz.

"Huwag ka nang magworry bruha, may blade kayang baon-baon 'tong si Dana."

"So model ka na pala ng Gillette ngayon?" usisa ni Archdave. Tinaasan ko na lang ng kilay ang dalawang bruha.

"WHY not make make revenge to your ex and his new girl di’ba? Para may pasabog ka naman!" suhestyon ni Archdave matapos marinig ang problema ko. Sa totoo lang hindi naman ito big deal, pero pakiramdam ko dapat may gawin ako. Para lang masabi ng Sage na yun na 'he lost his pretty gem in this world full of stones' and that gem is definitely ME.

***

My Nerd in Shining GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon