EPILOGUE

71 9 0
                                    

EPILOGUE

3 YEARS LATER

-ALCORIZA-

"I'VE been waiting for youuuu!!"
Feel na feel ko ang pagko-concert rito sa loob ng kusina habang hawak ang sandok dahil nagluluto ako ng sinigang. Tinikman ko. Hinipan ko muna dahil napakainit.  Ayos! Alam kong hindi na  'to palpak. Aba naman, isang taon kaya akong nag-master ng pagluluto. Atlast may ipagmamalaki na ako sa bruhang si Dana. Bwahaha! Ngumiwi ako at muling sumayaw dahil sa asim.

Tumutunog pa rin ang cassette player nang mag-ring ang telepono sa sala. Patakbo akong lumapit at agad inilagay ang mouthpiece sa tenga ko.

"Hello? Pixie Dust Residence!" masigla kong sagot sabay taas ng sandok.

"Hello bruha! DARATING DAW SI DANA!" Rinig ko ang pagtili ni Archdave at Nieca.

"A-ano? Pakiulit nga?" tanong ko ulit.
"DARATING SI DANA! MYGAAAD!"
Nabitawan ko ang sandok at nanlaki ang mga mata.

"AAAAAAAHHHHH!!"

***

-DANA-



"BASTA umuwi ka, ha? Ikaw ang bride's maid ko kaya wag kang mawawala dito or else ipapasundo kita d’yan ng private plane ko!" pagbabanta ni Archdave habang nag-uusap kami through video call. Ngumisi lang ako at tinaasan s’ya ng kilay.

"’Wag kang mag-alala, hindi ko papalagpasin yun. Baka magulat ka na lang pag sumigaw ako ng 'itigil ang kasal!' sa kalagitnaan ng ceremony " Namutla si Archdave dahil sa sinabi ko saka ako humagalpak ng tawa.

"You're really insane. Please take some medicine bago ang flight mo. ‘Wag kang humadlang sa moment namin ni Nieca!" nakangiwi nitong sambit.

"Uy, lalaki na s’ya," panunukso ko pa.

"Huwag ka nga. Aish! Sige na babye na. Don't forget my big day ha?"

"Yah yah. Copy bruh, teka sino nga palang bestman---" Hindi ko na naituloy ang tanong ko nang mag-shut down na ang laptop. Bumuntong hininga ako at humilata ulit sa kama ko. It's been years since I left them. Siguro madami nang nagbago. At marami pang magbabago sa pagdating ko.

Maliban sa pagiging tunay na lalaki ng bruhang si Archdave, alam kong marami na talagang nagbago. I just can't believe na ang malanding bakla, ikakasal na. Tss. Tadhana nga naman, kahit ilang beses pa niyang takbuhan si Nieca, sila at sila pa rin. Hindi ko alam kung paano nangyaring pumayag siya na mapakasal kay Nieca, wherein the first place noong college kami, halos pandirian niya ito. Sabi nga nila, the more you hate, the more you love. At siguro iyon ang nangyari sa kanila. Isa pa, hindi talaga niya matatakasan ang pagiging lalaki niya. Kahit pagbali-baligtarin ang mundo, lalaki pa rin siya.

I'm happy for them. I'm happy for him. Finally, he found his true love.
At kung ako naman ang kukumustahin, I'm living with my simple life now. At ‘yung nangyari sa nakaraan, isa na lang alaala. Sumubok talaga akong lumimot. Sinubukan kong ilibot ang paningin ko para makakita ng iba. I know, pathetic. But I was too desperate to fall out of love.

Nag-entertain ako ng mga manliligaw pero ni isa sa kanila wala akong sinagot. Tinatanong ako ng iba kung bakit ko nga ba ‘yun ginagawa. Iisa lang ang sagot ko.

"Kasi hindi sila si Raze."
Nabalik ako sa reyalidad nang bumukas ang pinto at patakbong pumasok ang isang batang babae.

"Hello baby Rhainie!!" bati ko sa kanya at pinisil-pisil ang matambok niyang pisngi.

"Aalis ka na raw mamaya?" Sunod na pumasok si Ate Red. She's my cousin and Rhainie's mother.

"Y-yah." Dumako ang tingin ko sa mga maleta na inihanda ko kagabi.

My Nerd in Shining GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon