CHAPTER 19

42 2 0
                                    

CHAPTER 19

-ARCHDAVE-

"SORRY, I'm late!" maarte kong sabi at umupo sa vacant seat na para sa akin. Pero ‘di ko pa nailalapat ang pwet ko sa upuan ko nang makatanggap ako ng tadyak mula sa Popsie ko na katabi ko lang. I muttered the ‘ouch’ word.

"Sorry. Ehem. I'm late," pag-uulit ko in manly tone of voice. Omo! I hate this! Babae ako! Susmaryusep! Huhuhu! Bakit ba gusto niyong itali ang alindog ko?! Ang gusto ko lang naman ay maging malaya at dalhin kung anong pagkatao ko?

"Archdave?"

"Po?"

"Meet your fiancee. Miss Nieca Neza from the Neza Fam Company."

Parang gustong kumawala ng dragon sa dibdib ko at sumigaw ng pagkalakas-lakas nang makita ko kung sinong naglalakad papalapit. Nanlaki pareho ang mata namin nang makita ko ang papalapit na bruha sa sisira sa napakaganda at tahimik kong buhay. Oh, mahabaging langit?! Patayin mo na lang akooo! Ayoko nang maghirap paaaaaaaaa?!

***

-DANA-

"S-SAGE..."

Atlast, after an hour ng paghihintay, napatayo ako nang makita kong papalapit na si Sage sa kinatatayuan ko. Ngumiti ako pero siya, tumitig lang. Emotionless. I can feel his cold stare towards me. And it hurts me a lot.

"I thought hindi ka pupunta---" Agad niyang pinutol ang sasabihin ko at tiningnan ako ng matalim.

"Dana, huwag mong bigyan ng kahit anong meaning ‘to. Nagpakita ako sayo para matapos na lahat sa atin. Three months na Dana eh, move on!" matigas na bulyaw niya sa akin. Sa isang iglap ay sumikip ang dibdib ko. Sobrang sakit.

"Sage hindi pa huli ang lahat sa atin---"

"I'm happy now with JhunaMae. Please, tigilan mo na ako. Be happy with Raze, too. Kung talagang mahal mo ako, hayaan mo na akong maging masaya. Mahal rin kita, pero hindi na gaya ng dati. Mahal kita kaya hahayaan kitang hanapin mo ang kaligayahan mo. At alam ko, Dana, na hindi ako ang taong magpapasaya sa'yo."

Napatingala ako at paulit-ulit na kumurap para huwag malaglag ang luha ko. Napalunok na lamang ako.

"You don't deserve her! Ako ‘yung nagmamahal sa’yo for two fuckin' years pero ako pa rin yung pinagpalit mo sa three months mong karelasyon!? How dare you?! Sage sobrang mahal na mahal kita pero bakit ganon? Wala akong ibang inisip kundi yung tayo, na baka pwede pa, baka pwede pang ayusin? Iniwan mo kong parang tanga. Gabi-gabi kong iniisip kung ano bang mali sa akin, ano pa bang kulang para sayo? Ano bang kailangan kong gawin para mahalin mo ulit ako gaya ng dati?" sumbat ko sa kanya saka dinuro-duro siya. Umiwas siya ng tingin kaya paulit ulit akong suminghap.

"Sobrang sakit Sage! Sobra sobra! Umaasa ako kasi mahal pa rin kita!" Hindi na ako nakapagpigil nang pumiyok ang boses ko. Umiiyak na ako.
"Seeing your ex with someone uglier than you? So awesome! But seeing you happy with her, fuck! Sobra pa sa sobra ang sakit!" sarkastiko ko pang dagdag at humikbi.

"Dana, how many times do I have to tell you that it's not about the physical appearance? Oo! Ako na ang gago, iniwan kita, sinaktan kita. Ako itong hindi nakontento at naghanap pa ng iba, pero Dana matagal na yon! Araw-araw ko yong pinagsisisihan, kaya sana naman makalimot na tayo at mapatawad mo na ako," depensa niya kaya sarkastiko ulit akong nginitian siya kahit umiiyak na ako.

"Nakipagkita ako sa’yo kasi umaasa pa rin ako. Narito ako sa harap para sana humingi ng ikalawang pagkakataon para maisalba naman ang two years natin," halos pumiyok ako pero pinagpatuloy ko pa rin ang pagsasalita. Alam kong nakikinig siya. At alam ko ring kahit anong pagmamakaawa ang gawin ko ngayon, wala na ring pag-asa.

My Nerd in Shining GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon