CHAPTER 13

47 1 0
                                    

CHAPTER 13

-DANA-

"OKEY, fine. Goodluck na lang nurse Dana." Napairap ako at huminga ng malalim. F*ck. May group study sana kami ngayon, but it turns out, hindi ako makakasama. Hindi ko naman pwedeng iwan ang lokong ‘to. Baka mamaya ako pa ang masisisi pag maagang matodas si Raze the nerdy boy.

Napabuga ako ng hangin. Bitbit ang gamot at tubig ay umakyat ako ng second floor kung saan andoon ang kwarto ni Raze. Pagbukas ko pa lang ay-napa'whoa' na lang ako dahil di ko maiwasang mamangha. Pure blue ang theme ng kwarto niya. Pareho kami ng fave na kulay kung ganoon.

Ang deperensya lang, ang daming posters ng mga scientist ang nakadikit sa wall niya. Okay. Halata namang isa siyang dakilang nerd at loyal sa Science. Pero isa lang ang nakakuha ng atensyon ko. Iyong sketch ng batang babae na main center ng lahat ng posters.

Parang familiar.

Hahawakan ko na sana ito nang paulit ulit umubo si Raze. Dali-dali akong lumingon at lumapit sa kanya. Idinampi ko ang palad ko sa noo niya. Napangiwi ako nang maramdaman kong napakainit.

"C'mon Raze, take this medicine." Nanginginig na siya kaya bigla akong kinabahan. Should I call a doctor right away? Matapos niyang uminom ng gamot ay umubo pa siya. Ugh. That is why I hate being a freakin' nurse.

Noong bata pa ako, gustong-gusto ko nang may inaalagaan at may ginagamot. Tinatawag ko pa ang sariling kong ‘nurse D’ habang ginagamot ang mga manika ko, pero ngayon, ayoko nang makakita ng mga taong ginagamot o nagkakasakit. Pakiramdam ko, ako ang nahihirapan sa sitwasyon nila.

Inayos ko na ang kumot niya. Nagdesisyon akong bumaba muna para kumuha ng maligamgam na tubig and a piece of towel. Tatayo na sana ako nang bigla namanniyang hinawakan ang kamay ko. Napakahigpit. Nanlalaki ang mata kong napalingon sa kanya.

"Raze may kukunin lang---"

"Stay h-here..."

***

-IRISH-

"TOSHINOOOO nasaan ka na baa?!" palahaw ko at patakbo-takbong nilibot ang buong sulok ng park. Wala pa rin. Nawawala ang Toshino mylabss koo.

"Uwaaaaaaahh!" Umupo ako sa pavement at naglupasay na parang batang inagawan ng lollipop. Huhuhu!

"Hoy Miss! Respeto naman! May natutulog dito! Huwag kang maingay!" Napalingon ako sa lalaking nagsalita at mas lalo akong naiyak nang makita kung nasa lap niya si Toshino ko habang natutulog.

"Uwwwaaaahh!" Bumalikwas siya at pinanlisikan ako ng mata.

"Puwede ba Miss! Kung papalahaw ka, huwag dito! Oh, eto ang aso mo! Gala ka kasi kaya ‘di mo alam nawawala na ang pulgasin mong aso! Pwe!" Dahil sa sinabi niya ay agad umusok ang ilong ko at sinabunutan siya. Wala akong pakialam kung bagong lagay lang ng wax ang buhok niya. Ang gusto ko lang ay kalbuhin siya hanggang sa walang matira sa anit.

"I hate you! I hate you!"

"Teka---oy-!"

"Wala kang modo!" Nang makawala na siya sa pananabunot ko ay nagtatakbo na s’ya palayo. Napapadyak na ako sa inis.

"Bleeh! Isip bata na may tukmol na aso!"

Grrrrrrrrrrrr. Kinuha ko na si Toshino. Hmmpp. Uwi na lang kami.

PAGPASOK ko pa lang ng bahay, sobrang tahimik na. Omoooo! Nasaan na kaya si Danny at Raze my kapatid?

"Toshino, behave," bulong ko at dali-dali siyang ibinaba. Nagmamadali akong umakyat sa kwarto ni Raze. Pagbukas ko ng kwarto ay nagulantang ako sa nakita ko.

"AAAAAAHHHHH!"

***

-DANA-

"AAAAAAAAHHH!"

Naimulat ko ang mata ko at napabalikwas ng bangon nang makarinig ako ng sigaw. Sh*t. At nakatulog pa pala ako sa tabi ng lalaking ito. Napatingin ako sa may pinto. Nanlaki ang mata ko nang makita si Ate Irish. Nakangisi siya at isa-isa kaming tiningnan.

"A-ate, ano..." nauutal kong sambit.

"Danny, ano ‘yan? Yieee!" Napalunok ako nang tinuro-turo niya ako at ang natutulog na si Raze. Napansin ko ang kamay ni Raze na nakahawak pa rin sa kamay ko.

Holy mother of cheese. Natataranta ko itong iwinakli at tumayo na. Mas lalo lang lumapad ang ngisi ni Ate Irish at pumalakpak pa. Muntik ko nang masapo ang noo ko. Oh sweet potatoes. This is so fuckin' gross!

***

"TATLONG Slurpee nga," order ni Archdave doon sa babaeng nag-a-assist sa mga costumer. Tiningnan nila ako na parang may dapat akong ikwento.

"Uhm...is there any problem?" Dahan-dahan akong ngumuya ng dala kong Piattos.

"Uhuh. Kumusta naman ang 3-month deal kuno ninyo?" usisa ni Archdave kaya alinlangan akong ngumiti.
Well, two months na at wala pa ring progress. Kumbaga sa Economics, hindi ko pa nare-reach ang pagsulong. Jusko. Ano ba 'to? Ginagawa ko naman ang lahat, still wala pa ring paki sa akin ang ex kong si Sage. Ugh. Gusto ba niya lumuhod na ako sa harap niya at magmakaawa? Potek naman oh! Nag-aaksaya lang ata ako ng effort at panahon sa bagay na imposible nang mangyari.

"Ano na?" Nginitian ko na lang sila dahil wala naman talaga akong balak ikwento.

"Okay, heto na lang. Kung ire-rate mo ang status n’yo ni Raze in real life, ilang percent na?" Tinuro-turo ako ni Alcoriza. Napaisip naman ako.

"Ahmm...mga 50?" alinlangan akong sumagot.

Yeah. 50. Kahit papano naman naging malapit na ako sa nerd na iyon. Kasama ko siya araw-araw sa campus. Pag may free day, lumalabas din kami tulad ng iba. Date na bang matatawag iyon? Nag-eenjoy rin naman akong kasama siya. Nakakalimutan ko na broken hearted pala ako.
Nakakalimutan kong nasasaktan nga pala ako dahil kay Sage kapag kasama ko siya.

"Don't get me wrong Dana. Baka sa bandang huli, mag-iba ang ikot ng mundo." Inikot-ikot ni Archdave ang mata niya.

"Oo, baka nga bumaligtad ang mundo at ma-fall ka kay Nieca," nakangising saad ni Alcoriza sa bruhang kaharap namin.

"No way! Don't change the topic, it's all about Dana and her nerdy boy named Raze," maarte ang tonong depensa ni Archdave sa sarili. Inilapag niya sa harap namin ang Slurpee at agad ko itong nilaklak bago magsalita.

“Makukuha ko rin ang loob ni Sage at kapag nangyari yon, I'm sure I'll be thankful ito Raze, nakangisi kong sambit kaya napapokerface na lamang sila.

***

"RAZE ano ‘to?" tanong ko nang iabot niya sa akin ang isang piraso ng papel. Hindi ito ang unang beses na binigyan niya ako ng ganito.

"Number 22," nakangiti niyang sambit. Tinaasan ko siya ng kilay.

"I know right. I mean, para saan ‘to?" I said in a sarcastic tone of voice.

"Just keep it. Malalaman mo rin. Sige, may klase pa ako. Bye, Dana." Napanganga na lang ako nang kumindat siya sa’kin. Holy cow. Did he just winked at me?

Napatitig na lang ako sa piraso ng papel at isinuksok ito sa shoulder bag ko. Pumasok na ako sa loob ng room namin. Umupo at ipinasak ang headset sa tenga. Saktong pagpasok nina Janelle, Nieca at Neva. Umirap ang tatlo pero ‘di ko na pinansin pa. Dapat masanay na ako. They are bitches that bitching around their bitchy faces. Tumahimik na ang lahat ng pumasok ang professor namin.


***

My Nerd in Shining GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon