Bawat saya, luha ang kapalit

451 12 0
                                    

BAWAT SAYA, LUHA ANG KAPALIT💔

oras, minuto, segundo
Sa bente kwatrong oras meron sa isang araw bakit kailangang masaktan ang puso?
Iilang minutong pagkalimot na luha ang naidulot sa tao
bawat sengundo ng buhay mo, na halos hilingin mong mawala ka na lang sa bawat pag patak ng taksil na luha mo💔

Panandaliang saya, Pangmatagalang kalungkutan
Hindi patas ang mundo aa henerasyong aking kinabibilangan
Sasaya ka saglit, andyan na agad ang lungkot na kapalit
sasaya ka saglit, Andyan na agad ang mga taong dudurog sayo ng paulit ulit?
bakit ganito? bakit?
bakit hindi pwedeng saya na lang, at wala ng pahihinagpis na kapalit

Maraming tao, ang takot ng sumaya sa mundo
Maraming tao, ang takot ng makisalumaha sa bawat polo
Ikaw, siya, ako, Tayo
takot na tayong sumaya, sapagkat ang kapalit ay hindi na makakaya pa

Bawat saya, luha ang kapalit?
kinakailangang sa harap ng madla ay ngumiti ng pilit
Pagod mong mga mata ay dahan dahang ipipikit
At sa buhay mo ay patuloy na lalaban at kakapit😣

Hindi naman tama na lagi na lang luluha
hindi tama na, bawat saya ko, bigla kang tutulo sa aking mata
puso ko ay pagod na, isip ko ay sasabog na
bakit nga ba ganito ang mundong mapaglaro?
mahirap intindihin, singhirap ng pagtigil sa king mga luha

Luluha man ako, ngunit babangon ako
bawat sayang may luhang kapalit ay akin ding makakabisa
darating ang panahon na ako ay masasanay na
at hindi na mararamdaman ang sakit tulad nong umpisa

PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon