Hanggang Dulo

178 4 2
                                    

HANGGANG DULO

Ikaw kahapon, bukas at sa susunod pa
Ikaw mula umpisa
Walang iba at wala ng papalit pa
Sapagkat nais ko'y ikaw na ang aking makakasama hanggang dulo

Sa akin, ikaw ay walang kapantay
Puso ko sayo ay patay na patay
Kahit ang sarili kong buhay ay handa kong ialay
Makasama ka lamang habang buhay

Nangako tayo na aabot tayo sa dulo
Nangako tayo sa isa't isa na kahit anong mangyari ay walang susuko
Sabay nating haharapin ang pagsubok dito sa mundo
Lahat ng magiging hamon at sasabihin ng ibang tao
Sana lahat ng ating pangako, sa huli ay hindi mapako at maglaho

Mananatiling ikaw, anoman ang mangyari
Ang pangakong "hanggang dulo" sa puso at isip ko ay iwawaksi.

PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon