You're my Romeo but I'm not your Juliet

183 3 0
                                    

YOU'RE MY ROMEO BUT I'M NOT YOUR JULIET.

Isa, dalawa tatlo
Nagmahal lang naman ako
Sumugal kahit alam kong una pa lang ako na yung talo
Nagmahal ako kahit alam kong malabo mong suklian ang pagmamahal ko.

Ginawa ko ang lahat
Pero hindi naging sapat
Para sayo ako ay isa lamang hinamak na kalat
Na kahit anong gawin ko ako'y mananatiling salot sa lahat.

Mahal kita una pa lamang
Ngunit bakit kung ako'y iyong pandirihan ay para bang meron akong amoy na masangsang
Bakit hindi mo ako malapitan man lang
At yakapin ng mga bisig mong sobra kung inaasam.

Para tayong tauhan sa isang teleserye
Yung tipong nagkabanggaan sa kalye
Nagmahal sa edad na disesyete
Nangarap na maging akin ka sa Ikatlong araw ng buwan ng Oktobre
At ngayon ako'y parang tangang pilit kang inaabot kahit na ika'y merong kalayuan.

You're my Romeo but I'm not your Juliet
You're my Peter Pan, but she's your wendy
You're my everything but I'm just your nothing

Pilit kitang inaabot tapos ikaw pilit na lumalayo
Pilit kong sinusungkit ang iyong puso
Ngunit ayaw mong ibigay ito
Pilit mong hinihigpitan ang rehas na sa puso mo ay kumukulong
Pilit mong pinangangalagaan ang taong hindi mo na maramdaman.

Masakit isipin pero kailangan kong tanggapin
Na kahit ano man ang aking gawin
Ay hindi kita matatawag na akin
I'm just the villain in your story with Juliet.

PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon