Part 21

203 2 0
                                    

Nakatali sa mga pagkakamali

Mga batang musmos ay tila walang problemang dinadala
Mga ngiti nila ay walang sakit na iniinda
Mga halakhak nila, sa pandinig ay tila musika
At ngayon ko lang napagtanto ang kaibahan ng bata sa kabataan

Isa akong kabataan na dapat ang hawak ay lapis ngunit heto hawak ko ay sigarilyo
Dapat ako ay nagtatrabaho para magkapera ngunit heto ako nanghahablot ng gamit ng iba
Dapat ako ay nasa paaralan para mag-aral ngunit naririto ako sa isang sulok at naghihithit ng druga
Ako itong isang kabataan na nakakulong na sa rehas ng kasalanan
Isa akong kabataan na tila wala ng kalayaan

Nakatali ako sa mga pagkakamali,
Buhay ko ay napapariwa sa halip na mapabuti
Sa tuwing sasapit ang gabi
Narito ako sa sulok at magsisindi
Tska ko ilalagay sa labi, ang isang yosi

Isa akong kabataan na naiipit sa mga kasalanan
Kabataan na naimpluwensyahan
At ngayon eto ako hirap na hirap baguhin ang nakasanayan
dahil sa tuwing ako lalayo, hinahanap hanap ko ang mga bagay na alam kong kasalanan.

Druga? Sigarilyo? Alak? Pagnanakaw
Ilan iyan sa mga bagay na alam kong mali sa kanino mang pananaw
Bisyo ang tanging sa akin ay dumadamay
dito sa mundong puno ng mapang-api sa buhay

Nakatali ako sa mga kasalanan at maling gawain
Alam kong mali, pero pano nga ba tigilin?
Mahirap.
lahat ng bawal bakit sadyang masarap
Bakit lahat ng bawal ay syang nakakapag bigay ng saya sa aking sistema.

Ako itong isang kabataan na nakatali na sa rehas ng kasalanan
Isang kabataan na nalulong sa masamang bisyo
At ngayon ay pinandidirihan ng ibang tao.

PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon