Nasaan ka?

179 4 0
                                    

NASAAN KA?

Una,  Gitna at huli
Ako ay nagkamali sa taong pinili
Sapagkat akala ko hindi nya ako iiwan sa huli
At hanggang sa dulo sa piling ko ay mananatili
Ngunit mali pala ako sapagkat sya pa ang nagdulot ng pighati.

Panahong dinurog ka nya, nandoon ako para buuhin ka.
panahong iwan ka nya, nandon din ako punasan ang iyong luha
Habang sya? ano? Nandoon sa piling ng bago nya at nagpapakasaya
Tapos ikaw? Nasa isang tabi walang tigil sa kakaiyak ng dahil sa sakit na dinulot ng isang taong hindi marunong magpahalaga.

Ako yung nandiyan noong panahong wala kang malapitan
Lagi kitang dinadamayan
Ako lagi ang iyong sandigan
Ngunit bakit ganoon sa isang iglap parang muli kang bumalik sa nakaaraan
Nagparamdam lang sya ng minsan at kayo ay nagkakamustahan
Ako ay iyo na agad nakalimutan.

Ngayon ako na naman nadurog at nasasaktan
Ngunit nasaan ka? kailangan kita
Nasaan ka, para ako ay buuin at damayan?
Oo nga pala bago ko makalimutan
Nandyan ka nga pala sa piling ng dati mong kasintahan na minsan ka ng sinaktan.

Ano bang meron sa kaniya?
Ano pa ang kulang sa akin bat di mo ako kayang mahalin tulad ng aking ginagawa?
Sinaktan ka na nya, binalikan mo pa
Handa kang masabihan ng tanga dahil ang importante sayo ay ang muli syang makasama.

Sa oras na ito kailangan kita
Ngunit bakit nasa piling ka na nya?

PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon