Ikaw na sana

202 6 0
                                    

IKAW NA SANA

Isa, dalawa, tatlo
Sana pwede tayo hanggang dulo
Sana wala ng magbabago
Wala ng darating na bago
At sana lahat ng pangako mo, sa dulo ay hindi mapako

Isa, isang salita mo lang na mahal mo ako
Para akong tanga na ngingiti sapagkat natamaan na nga ng palaso ni kupido
Isang simpleng ngiti lamang sa labi mo
At bibilis na ang tibok ng aking puso na para bang sobra pa sa hinahabol ng kabayo
Sa bawat isang salita mo ay para itong mahika na nagagawang baguhin ang ikot ng aking mundo.

Dalawa, dalawang pantig ang salitang ikaw
Ikaw na nagpainom ng pagmamahal sa puso kong nauuhaw
Ikaw, na tanging taong nagparamdam sa akin na kailanman ay hindi kayang bumitaw
Ang puso ko ay ikaw ang sinisigaw
At anuman ang mangyari meron mang makisawsaw
Sa puso ko ay mananatili pa ring ikaw.

Tatlo, tatlong salita ang pariralang "ikaw na sana"
Parirala na lagi kong hinihiling sa may likha
Sapagkat iba ang saya kapag ikaw ang nagpapasaya
Mga ngiti mo ay nagdudulot sa aking puso ng sobrang ligaya.
"Sana" eto ang ikatlong salita sa parirala
Salita na nangangahulugang ako ay umaasa
Umaasang, pag-Ibig mo ay hindi na magwakas pa.

Ikaw na sana ang taong hindi na lilisan pa
sapagkat pagod na akong muling magsimula
Magsimula, kasama ang iba at hindi na ikaw ang aking kapareha.

PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon