Bakit ako pa?
Nandyan sya
Nandyan sila
Maraming tao sa mundo pero bakit ako ang napili mo
Bakit ako pa, samantalang wala akong laban sa kanilaHindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng piliin mo ako
Piliin mo ako at isigaw mong mahal mo ako sa harap ng maraming tao
hindi ko alam anong nagawa ko, at ako ang napili mo
Bakit nga ba ako ang napili ng iyong pusoMahal kita alam mo yan, pero hindi ko maiwasang pagdudahan ang iyong nararamdaman
Pagdudahan? kasi eto ako, isang panget na tao
isang binatang basag ulo😪Maraming tao ang humusga sa iyo
maraming tao ang nagtanong kung bakit nga ba ako
maraming tao ang nagsabing wala akong magandang maidudulot sa buhay mo
pero ano ang ginawa mo? pinaglaban mo ako sa kanilaNapakatanga ko part na sinasaktan kita,
pinapaiyak kita?
Samantalang napakaraming tao ang sa iyo ay nagpapantasya
at naghahangad na sana ay sila na lang ako para lagi kang kasamaSiguro nga tanga ako kasi answerte ko na sayo ginagago pa kita
Antanga ko kase maraming may gusto sayo pero ako pa din pinili mo
ako na halos ang buhay ay patapon
ako na Lagi ka na lang pinapaiyakBakit nga ba ako? Gayong wala pa ako sa kalahati ng iba mong manliligaw
Bakit ako pa? kung alam mo din namang masasaktan ka lang
siguro nga wala kang magawa kasi puso mo ang dumidikta