Pandak

187 3 2
                                    

PANDAK

Pandak, Anim na letra, iisang sasalita pero marami ang kumakatawan
Mga taong hindi na biyayaan ng katangkaran
Mga taong kinulang sa tangkad ngunit bawing bawi sa kakyutan
Pandak man kung titignan, Wala akong pake sapagkat puso ko ay tunay sa kapwa kabataan

Sila yung mga taong madalas naaapi
Mga taong madalas masaktan sa pang aasar ng kaklase
lulukuhing bata ng mga MALALAKI
At tatawagin ng matatangkad na Kaklase na ISANG ELEMENTARY

pagiging pandak ay hindi sumasalamin sa tunay na katauhan
Panloob na katauhan paden ang dapat na basehan
Tawagin nyo mang, PANDAK, UNANO, hindi nyo na mababago ang height na sa amin ay nakalaan
Hindi nyo mababago ang katotohanang eto na ang meron kaming angking katangkaran

Pagiging pandak ay hindi dapat ikahiya
Kung tawagin ka mang elementary ng kaklase mo ay hayaan mo na lamang sinta
Sapagkat ang tulad nila ay ang mga taong kulang sa aruga
Na pati katangkaran ng iba ay pinapakaealaman pa

kayong matatangkad huwag kayong masyadong mapangapi
Hindi kayo matatawag na matangkad kung wala kami
Magpasalamat kayo kasi narito kami
Kasi kung wala, tiyak na mapapabilang kayo sa aming lahi.

PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon