ISA, DALAWA TATLO
SISIMULAN KO ANG TULANG ITO SA PARAANG ALAM KO
AKING BABALIKAN MGA ALAALA NG NAKARAAN NA BIGLANG NAGLAHO
MGA ALAALA NA NATABUNAN NG MAKABAGONG MUNDONAAALALA MO PA BA? NONG MGA PANAHONG ANG TANGING HINAHANGAD AY ISANG LOLLIPOP
ATING INA AY HINDI NAKATIIS DAHIL TAYO AY UMIIYAK SA KANILANG HARAP
NAAALALA MO PA BA? NONG PANAHONG BINIGYAN KA NG PISO
NAGLULUNDAG KA NON SA TUWA AT DALIDALING TUMAKBO SA TINDAHAN UPANG BUMILI NG KESO
PERO BAKIT NGAYON?
KAY BILIS NGA NAMAN NG PANAHON
ANG DATING SIMPLENG KAHILINGAN
NGAYON HALOS HINDINNA KAYANG MAPAGBIGYANBAKIT? BAKIT HINDI KA NA MASAYA SA LOLLIPOP
HINIHIHILING MO NA NGAYON ANG MERCHANDISE NG KPOP
MGA BAGAY NA HINDI AFFORD NI NANAY AT TATAY
IKAW PA YUNG GALIT KAPAG ANG GUSTO AY HINDI NABIGAYNOON , MGA PAPEL MO AY NAUUBOS DAHIL LAGI KANG GUMAGAWA NG PAPEL NA EROPLANO
SI NANAY AY LAGING NAGAGALIT KAYA LAGI KANG NAKAKATANGGAP NG PALA
SASABIHAN KANG NAPAKASAKIT MO SA ULO
AT TAYO AY WALANG MAGAGAWA KUNDI HAYAAN ANG LUHA SA PAGTULOPINAPALIPAD NATIN ANG EROPLANONG PAPEL KASABAY NG PAGLISAN NG PANAHON
KASAMA NG EROPLANONG PAPEL ANG ATING MGA PANGARAP NA IPINABAON
MGA ALAALANG NAIWAN NA SA KAHAPON
KAYA TAYO NGAYON AY WALA NG PAGKAKATAON
DAHIL MALAPIT NA NAMAN ANG SUSUNOD NA TAONMAKABAGONG HENERASYON, TAYO'Y MATUTONG MAKIAYON
HUWAG AABUSUHIN ANG PANAHON
ANG MUNDONG IYONG KINAMULATAN MULA NOON
MATUTO KANG MAGPAHALAGA, PAGKAT HINDI MO ALAM KUNG IKAW AY AABUTIN NG ILANG TAON.