𝐁𝐈𝐍𝐔𝐎 𝐊𝐈𝐓𝐀 𝐍𝐔𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐎𝐑𝐀𝐒 𝐍𝐀 𝐃𝐔𝐑𝐎𝐆 𝐊𝐀, 𝐏𝐄𝐑𝐎 𝐇𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐍𝐔𝐁𝐔𝐎 𝐊𝐈𝐓𝐀 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐅𝐎𝐂𝐔𝐒 𝐏𝐀𝐑𝐄𝐍 𝐀𝐓𝐄𝐍𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐌𝐎 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐍𝐘𝐀
Naaalala mo pa ba nong mga panahong nalimot ka na nya
Yung tipong sya nagma-monthsary na sa iba,
Nakahanap na ng bagong magpapasaya sa kaniya
Pero ikaw, ano? Hindi pa rin nakakamove on sa kaniya at maghapong nakahiga sa iyong kama.Sabi ko sayo noon
"Tama na, may bago na sya. Sarili mo ay bigyan mo ng atensyon "
Tas sabi mo sakin
"Umalis ka na, Hindi kita kailangan. Huwag mo akong turuanPero kahit ganon, hindi kita iniwang nag-iisa sa higaan.
Pinilit kitang kumain ng umaga, tanghali hanggang sa hapunan.
Ngunit Sadyang natigas ka
Dahil lahat ng niluluto ko tinatapon mo lamang sa aking mukhaNgayon, Medyo okay ka na
Nakakatawa ka na, na para bang wala na ang sakit na dulot nya
Nagagawa mo ng titigan sya sa mata
At nakakaya mo ng makita syang masaya kasama ang ibaMinsan ako ay nagkaroon ng lakas ng loob
Umamin ako sayo, kahit alam ko kung ano ang mangyayari
Sabi ko. "Gusto kita, matagal na."
Ngunit kasabay ng pag-amin kong iyon ang pagbagsak ng aking mga luha
kasi sabi mo "Gago ka ba? Alam mo naman sya pa rin at walang iba."Para akong binagsakan ng libo libong bato
Na naestatwa na sa aking pwesto
Hindi na makagalaw at nanatiling nakatayo sa harap mo
Habang pinagmamasdan kang pinagtatawanan akoNang ako ay matauhan
Palad ko'y biglang dumampi sa iyong mukha na sobra na sa kakapalan
Ikaw ay aking napagsalitaan ng mga bagay na hindi dapat.
at hindi na kita hinintay na sumagot dahil puro aki satsat
At pagkatapos non ikaw ay aking tinalikuran habang pinupunasan ang luhang nasa aking pisngi.Binuo naman kita, pero bakit tila hindi nabago ang iyong nararamdaman
Sya pa rin ang iyong minamahal
Habang ako na dumamay sayo habang ika'y nakalatay sa iyong higaan
Ay nananatiling "sinoman" sa iyo, aking hinahangaan.