Kalawakan

196 2 0
                                    

KALAWAKAN

Maraming tao ang nagtatanong kung ano ang meron sa labas ng mundo
Maraming tao ang nais makarating sa kalawakan
Ang iba ay inaasam na makaapak sa buwan
At muling babalik sa lupa at iaangat ng kaniyang katagumpayan ang kaniyang pangngalan.

Kalawakan ang isa sa nagpapagaan sa ating pakiramdam
Isa ito sa lugar na minsan nating ninais makamtam
Pinangarap nating maging astraunot para lamang makamit ang inaasam
Inaasam na makarating  sa kalawakan

Iisang salita lamang ang kalawakan ngunit maraming bagay ang nakakubli
Mga bagay na kahit ilang salapi ay hindi mabibili
Walang makakatumbas sa ganda nitong natatangi
At walang mas hihigit sa mga bituing kumikinang kung gabi
Sa buwan na nagbibigay liwanag sa malungkot na gabi
At sa araw na syang ating liwanag tuwing sasapit ang umaga

Matatawag na pagsubok ang pagtungo sa kalawakan
Sa oras na ikaw ay lumipad papunta sa itaas, buhay mo ay nalalapit na sa kamatayan.
Sinusugal mo ang sarili mong buhay
Sapagkat walang kasiguraduhan kung ikaw ay makakabalik pa ng matiwasay.

Rylandrein Peter Armstrong ang sikat na Astraunot sa mundo ng wattpad
May ilang iginuhit na siya sa sketch pad
At ang iba naman ay niwallpaper sa ipad
At isa ito sa naging inspirasyon ng iba para sa himpapawid ay maranasang lumipad .

Kalawakan, bakit ang hirap mo maabot
Walang kasiguraduhan kung kami ay makakabalik pa sa mundo.
Kakawakan, napakaganda mo
ngunit ikaw ay dahan dahan ng nasisira ng mga tao.

PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon