poetry

217 4 1
                                    

STRIKTONG MAGULANG

Ako'y isang kabataan
Na naghahangad ng isang kalayaan
Hindi natural na kalayaan ngunit nais kong maranasan ang tipong hindi madalas pagbawalan
Nais kong maging katulad ng iba, na malaya dahil mga magulang na, sila ay pinagkakatiwalaan

Gusto ko, gusto kong maging malaya mula sa apat na sulok ng silid na ito
Gusto kong maranasan ang tumawa sa labas kasama ang ibang tao
Sapagkat nakakabagot ang pagmumukmok sa kwarto
At ang hawak mo lamamg ay cellphone upang makibalita sa mga kaibigan mong masayang tumatambay sa kanto

Striktong magulang bakit nga ba ganito.
Hindi ko man lang maranasan ang kasiyahang nais ko
sapagkat sa tuwing lalabas ako
Agad agad may tatawag at sasabihing umuwi na ako
Hindi ko maenjoy ang bawat minuto
Sa tuwing nasa labas ako ng kwarto
Dahil iniisip ko kung ano na naman ang sasalubong sa akin pagka uwi ko.

Alam ko ang limitasyon ko
Alam ko kung ano ang ginagawa ko
ang nais ko lamang ay ibigay nyo sa akin ang tiwala

PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon