Bitaw na

565 14 0
                                    

Bitaw na

Una, gitna at huli
Lahat ng bagay ay may katapusan
Lahat ng tao ay lilisan
Pero bakit pati pangako mo ay kinalimutan?

Sabi mo nong una, ako lang mahal mo
Sabi mo ako na hanggang dulo
Ako na ang huling mamahalin ng iyong puso
At ako na ang hahalikan mo sa altar sa harap ng maraming tao at sabay tayong magsasabi ng "I DO"

Kalagitnaan ng ating pag-iibigan bakit tila nagkakalabuan?
Bakit tila may iba ng minamahal at ako ay handa ng iwan
Napapadalas ang pagtatalo dahil sa mga bagay na walang katuturan
May mga bagay na hindi na dapat pinapalaki pero syang nagiging sanhi ng pagatatalo
Pagtatalo na sa ating relasyon ay nagpapagulo

Huli, dito ang samahan ay nagwakas
Hindi ko alam pano ko haharapin ang bukas
Hindi ko kayang mag-isa sapagkat ako'y nasanay sa iyong presensya
Hindi ko kayang lumaban at ipagpatuloy ang buhay ko ngayong wala ka na

Ano ng nangyari sa mga pangako mo?
Pangako mong tayo lang hanggang dulo
Pangako kong hindi ka mapapagod at patuloy mong iintindihin ang ugali ko
ugali ko na tangi mong rason kung bakit ka sumuko
Sabi mo pagod ka ng intindihin ako
pagod ka na at sawa ka nang pakisamahan ako

Masakit isipin na yung taong nakasanayan ko ay wala na sa tabi ko
Masakit na makita kang hawak na ng ibang tao
ngunit ano pa bang magagawa ng pagkapit ko sa relasyong to
kung ikaw mismo ang pumutol ng taling hinahawakan ko para bumitaw ako

hindi ko nais gawin ang pagsukong ito
ngunit ikaw mismo ang nagsasabing sumuko na ako
Kaya ngayon ang higpit ng kapit ko sa relasyong ito
ay mauuwi na sa salitang BIBITAW NA AKO

Ngayon, tama na.
Tama na ang pagpapakatanga
Hindi na ako aasang babalik ka pa
sapagkat alam kong masaya ka na sa kanya

PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon