Pag-ibig; walang pinipili

50 3 0
                                    

Isang kabanata ng isang kabataan
Na may dalawang pahina kagaya ng isang talaarawan
Na naglalaman ng tatlong kaalaman
Na nagsisilbing gabay ng dalawang taong nag-iibigan

Ano? Saan? At bakit?
Ano nga ba ang nagsisilbing ugat ng isang pag-ibig?
Ito ba ay para lamang sa mga maririkit?
Kung hindi, ay bakit hindi pinapansin ang mga taong hindi kaakit-akit.

Walang pinipiling tao si kupido
Kung saan tumama ang kaniyang palaso, ay paniguradong lagot ito
Dahil sya na ang susunod na biktima ang puso
At iibig sa isang taong malabong maabot.

Ang pag-ibig ay walang pinipili
Ang pag-ibig ay lubhang natatangi
Ang pag-ibig ay malayang maramdaman ng bawat isa.
Kaya't kung ikaw ay umiibig, wag na mag-atubili pang umamin
Dahil malay mo, hinihintay ka lang din nyang umamin ng iyong pagtingin

Walang pinipili, dahil ang lahat ay dapat na pinipili
Walang kinakampihan, dahil ang lahat ay dapat maranasan
Maranasang umibig, at maranasang ibigin
Dahil ang pag-ibig ay nariyan lamang sa tabi
Na anomang oras ay handa kang biktimahin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon