magtatagal tayo, pero hindi pwede hanggang dulo

241 2 0
                                    

Magtatagal tayo pero hindi pwede hanggang dulo.

Sa salitang ikaw at ako nabuo ang salitang tayo.
Tayo na naging sangkap ng pag-ibig na ito.
Pag-iibigan na madalas ng nagiging komplikado
At misan ay matamis ngunit madalas ay mapait.

Matamis na pag-iibigan sa oras na tayo ay masaya
oras, na puso natin ay naglulundag sa tuwa
oras, na hinahangad nating hindi na magwakas pa
Mga oras na wala tayong pake alam sa iba sapagkat ang ating atensyon ay parehong nakatuon sa isa't isa.

Matamis na ngiti na sa labi mo ay namumutawi
Mga ngiti na alam kong ako ang sanhi
Mga ngiti na sana'y hindi maglaho sa iyong labi anoman ang mangyari
Lalo pa't alam kong, pagsasama natin ay kunting oras na lamang ang nalalabi.

Ating pagsama ay malimit na pumapait
Sa oras na tayo ay umiiyak ng dahil sa sakit
Sakit na naidulot sa aking puso bunga ng selos at inggit
Mga oras na kailangang ngumiti ng pilit
At yung puntong walang pansinan ay atin nang madalas sinasapit

Alam kong magtatagal tayo
Pero hindi ibig sabihin ay pwede na tayo hanggang dulo
Pagsasama ng may parehas na kasarian lubhang tinututulan ng tao
Kaya patawad kung ako ay magiging parte lamang ng buhay mo.

Sandaling panahon lamang ang sa atin ay nakalaan
Sandaling panahon upang ipadama ang aking nararamdaman
Sandaling na kailanman ay hindi magiging sapat
sapagkat nais kong makasama ka ng wala ng wakas.

Oras na isa sa atin ay mang-iiwan
Relasyon man natin ay dumating na sa katapusan
Lagi mong tandaan na hangad ko ang iyong kaligayahan.

PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon