Corona Virus

347 11 0
                                    

Sa paglipas ng panahon
Aking nasaksihan ang pagsubok sa bawat taon
Mga mamamayan ay hamak na hinahamon
Kaya't ang ilan ay hirap na hirap na makaahon

Aking mga kababayan, Tayo'y dapat ng mamulat
Pagkat walang magagawa ang pagiging sikat
Kung ikaw ay Hindi marunong mag-ulat
at Kung ikaw ay walang pakealam sa lahat

Corona virus ay patuloy na lumalaganap
Maraming mga tao ang umiiyak kapag hindi kaharap
sapagkat hindi na nila kaya ang magpanggap
na kaya pa nila kahit unti unti ng nasisira ang kanilang pangarap

Nang dahil sa pandemya, mga estudyante ay hindi makapagtungo sa paaralan
Nang dahil sa pandemya, maraming mamamayan ang wala ng pagkakakitaan
Mga tao ay wala ng mailatag sa hapag kainan
Maraming mga tao ang umaasa na lamang ng tulong mula sa gobyerno ng pamahalaan

Aking kababayan, tayo ay magtulungan
Upang problema ay ating masolusyunan
Mga bata ay muling bumalik sa kasiglahan
at kanilang marananasan ang saya ng pagiging kabataan.

Corona virus ay hindi rason
Upang tayo ay sumuko sa hamon ng panahon
Isa lamang itong pandemya na sa atin ay humahamon

PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon