Muling magsusulat ngunit hindi na ikaw ang paksa

202 5 1
                                    

MULING MAGSUSULAT NGUNIT HINDI NA IKAW ANG PAKSA.

Naaalala mo pa nong araw na mahal pa kita?
Nong araw na puso ko ay iniibig ka pa?
Mga panahon na isang ngiti mo lang ako ay sobra ng napapasaya?
At mga tula na inalay sayo sapagkat ikaw ang paksa?

Sa tuwing magsusulat ng tula, ikaw ang aking inspirasyon
Tumagal ito ng mahabang panahon
Ngunit tayo ay sinubok ng pagkakataon
Sinubok ng panahon ang tatag ng ating relasyon.
Ngunit hindi pala sapat ang aking pagmamahal kung kaya't ikaw ay bumitaw
At ang relasyong ating nabuo ay unti unti ng nagunaw.

Mahal, naaalala mo pa ba kung gano ka kasaya ng ialay ko sayo ang unang tulang na ikaw ang naging paksa?
Kung pano umukit ang ngiti sa iyong labi?
Ang ngiting yon  na kahit kailan ay hindi mawawala sa aking alaala
Ngunit ngayon wala ka na
At hindi na ikaw ang aalayan ng tula
Ako'y muling magsusulit ngunit na ikaw ang aking magiging paksa

Alam kong masaya ka na sa kaniya
Kaya't ako ay hindi na manggugulo pa
Hangad ko ang kasiyahan ninyong dalawa
Kaya simula ngayon ako ay lilimot na
At ito na ang huling tulang aking isusulat na ikaw ang paksa. PAALAM.

PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon