Pandemyang lumalala
Noon, ikaw ay aking binabalewala
Mga paalala o babala ay hindi alintana
Hindi ko pinapansin ang madlang nagpapaalala
Na facemask ay dapat sinusuot at hindi lamang dala dala.Noon, wala akong pangamba
Kasi nga alam kong magkakaroon din ng bakuna
At oras na dumating yun, mga tao ay babalik ang sigla
Ngunit hindi ko inaaakala na, mahirap palang hanapin ang lunas para sayo, pandemya.Ngayon, heto ako
Naghihintay sa hudyat ng pangulo
Naghihintay sa ulat ng mga artikulo
Naghihintay na may magsaad na Ang pilipinas ay wala ng pandemyang gugulo
Wala na ang pandemyang kinakatakutan ng tao
Heto ako, umaasang magiging maayos na ulit ng mundoAking mga kapwa , halina't magtulungan
Tayo'y magkaisa upang pandemya ay masolusyunan
Huwag mawawalan ng pag-asa
Dahil muling sisikat ang araw,
At ang lahat ay aabante at iiwan ang nakaraan.Masyado ng maraming kinuhang buhay
Marami ng tao ang nawalan ng hanap buhay
Tingin ngayon sa mga tao ay hindi na pantay pantay
sapagkat ang kinakatakutang pandemya ay hindi pa namamatay