CHAPTER 11

7K 73 0
                                    

Asher's POV

Magkahawak ang kamay naming dalawa ni Adeline habang lumalabas nang sinehan.

Napahinto ako nang bigla siyang huminto. Naramdaman ko ang panginginig nang kamay niya. Agad akong napaingin kung saan siya nakatingin. Papalapit ito sa amin. Si Floyd. Ang ex niya.

Nang makalapit na ito sa amin ay napansin kong nakatingin ito sa kamay naming magkahawak.

"Hmnn? Wag mo na kong lokohin Adeline alam ko namang wala talagang kayo." Pansin ko ang pagkagulat sa ekspresyon ni Adeline. Pati ako ay nagulat pero paano niya nalaman? Sinong nagsabi?

"Hmnn totoo nga?" Nakataas ang kilay nitong tanong sa aming dalawa. Mas lalong lumakas ang panginginig sa kamay ni Adeline.

"Hindi." Sagot ni Adeline dito. "Saka ano bang pakelam mo sa relasiyon namin? Wala na tayo. Wala kang karapatan para makeelam. At isa pa ano bang gusto mong mangyare?" Dag dag pa ni Adeline. Mas lalo kong hinigpitan ang paghawak sa kamay niya.

"Gusto ko? Sinple lang naman maging akin ka ulit." Sagot ni Floyd dito. Kunwari pang natawa si Adeline.

"Ano ako uto-uto? Tatlong beses mo na akong ginago tapos ngayun gusto mo bumalik ka? Bakit naka register ba ko sa unli panggagago mo?" Tugon di Adeline

"Tsk basta ang alam ko wala talagang kayo. Diba best friend?" Sabay tingin nito sa akin.

Ngumiti lang ako dito.

"Sa tingin mo ba kung hindi ko siya gusto makikipag date ba ko sa kanya? Diba hindi? Kilala mo ko. Hindi ako nakikipag date sa hindi ko gusto. At isa pa tignan mo ito." Sabi ko at saka hinaplos ang mukha ni Adeline at saka dahan dahan ko siyang hinalikan. "At hindi rin ako nakikipag halikan sa hindi ko gusto. Alam mo yun pre." Dag dag ko pa.

"So gusto mo siya?" Biglaang tanong nito.

Napalunok ako at tumitig sa mata ni Floyd.

"Oo." Sagot ko at saka hinila si Adeline palayo.

Sorry for the typographical and grammatical error.

Deal With My Manyak BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon