14

4.2K 47 0
                                    

Asher's POV

Matapos naming kumain nang agahan sa bahay nang magulang ni Adeline ay agad kaming pumunta sa kompanya.

Hanggang ngayun hindi ko parin makalimutan yung nangyare kanina. Wala nga naman akong gagawin doon.

Nang makarating kaming dalawa sa kompanya ay agad kaming tumungo sa may kuwarto niya sa opisina.

"Uhmm anong oras ang alis mo?" Pagbabasag ko sa katahimikan.

"Maya maya. Mag aayos lang ako." Seryosong sagot nito sa akin habang kumukuha siya nang damit na masusuot niya para mamaya.

"Ano mas maganda? Yung pula o yung itim?  Tanong nito sa akin habang hawak sa magkabilang kamay yung dalawang dress niya.

"Bagay naman sayo pareho yan eh." Sabi ko at saka ngumiti. Sa huli napagpasiyahan niyang yung kulay pulang dress na lang ang isuot niya.

Agad naman siyang tumungo sa banyo para maligo.

-

Pagkatapos niyang maligo ay agad naman siyang nagbihis. Nag ayos din ito nang mukha pero yung simple lang.

"Bagay ba sa akin?" Muling tanong nito at saka umikot pa sa harap ko. Napalunok ako.

"Oo. Ang ganda mo kaya." Sabi ko at saka ngumiti sa kanya.

"Uhmm Adeline? Bawal ba talaga?" Muli kong tanong dito.

"Hindi ka ba nakakaintindi?" Pabalik na tanong niya sa akin.

"Ahh sige. HAHA. Have a nice day saka naintindihan ko naman na wala akong gagawin doon kaya dito na lang ako." Sabi ko dito at saka ngumiti.

Tumango naman ito sa akin.

"Alis na ko." Saryosong sabi nito.

"Sige." Sabi ko at saka muling ngumiti. Ngumiti pa ako dito bago sinarado ang pintuan.

Napabuntong hinanga na lang ako. Hayyst bakit ba ako naaapektuhan doon? Eh mag date lang naman sila.

-

6:00 pm na ngayun at wala pa rin si Adeline. Nakatingala lang ako sa kisame ngayun. Ano kayang ginagawa nila?

Habang nakatulala sa kisame ay bigla akong nakaisip nang ideya. Ipagluto ko kaya siya? Ayytt tama tama. Ipagluluto ko siya nang favorite niyang Adobo.

Agad naman akong nagtungo sa kusina at saka sinimulan ang pagluluto. 7:00 pm ako natapos magluto. Nang matapos kong magluto ay tumungo ako sa may kuwarto at nahiga.

"Ang tagal naman niya." Bulong ko.

-

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Habang mahimbing na natutulog ay nagising ako sa lakas nang ulan.

Hayystt. Pagkagising ko ay agad akong tumingin sa orasan. 11:30 pm na wala pa rin siya. Malakas rin ang ulan sa labas.

"Mukhang di siya uuwi." Malungkot kong sabi.

Wala akong ganang kumain ngayun kaya humiga na ako sa kama at pinikit muli ang mga mata ko. Umuulan sa labas. Nasaan kaya siya? Baka nilalamig siya? Hayyst di naman siguro siya papabayaan nung lalaking ka date niya.

Sayang naman yung niluto ko. Hayyst siguro bukas na lang.

Sorry for the typographical and grammatical error.

Deal With My Manyak BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon