2

5K 59 1
                                    

Adeline's POV

Ilang araw na ang lumipas simula nang maka uwi na ako dito sa Pilipinas. Napabuntong hininga ako nang buksan ko ang pinto sa opisina ko. Nakaramdam ako nang lungkot pagkapasok ko dito.

"Hayystt." Sabi ko at saka humiga sa kama. Nakaramdam ako nang pagod.

Sariwa pa lahat nang ala ala namin ni Asher dito.

"Asan na kaya siya ngayun? May girlfriend o asawa na ba siya?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingala sa kisame. Arghh bat ko ba siya iniisip ngayun?

"Ma'am." Napatayo ako nang may tumawag sa akin mula sa labas. Agad akong lumapit sa may pinto para pagbuksan ko ito.

Nang mabuksan ito ay bumungad sa akin ang secretary ko.

"Ma'am may meeting daw po kayo mamayang hapon with Mr. Dean." Sabi nito sa akin. Hayyst meeting nanaman.

"Anong oras?" Tanong ko dito.

"3 pm. po." Seryosong sabi nito. Tinanguan ko lang ito at muling sinarado ang pinto.

Teka? Dean? Bakit parang familiar? Arghh naguguluhan ako.

-

Asher's POV

Nakatuon lamang ang atensiyon ko sa mga papeles na inaasikaso ko ngayun. Napa hilot ako sa sentido ko dahil sa pagod.

Hindi ko pa rin makalimutan yung nangyare nung nakaraang araw. Sigurado akong si Adeline yun pero sayang at di ko siya nakita.

Pero kahit di ko siya nakita ay masaya ako at nandito na siya sa Pilipinas. Niyuko ko muna ang ulo ko sa lamesa at pinikit ang mata ko.

-

Naalimpungatan ako nang makarinig nang katok mula sa pintuan.

"Pasok." Maikling sabi ko dito. Agad namang pumasok ang sekretarya ko na may hawak na papeles.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko dito.

"Sir may meeting daw po kayo mamaya with Ms. Wisteria." Simpleng sabi din nito at saka nilagay yung mga papeles sa table ko.

Hayyst meeting nanaman. Nakakapagod.

Tumango na lang ako dito bilang sagot. Agad naman itong lumabas

Sorry for the typographical and grammatical error.

Deal With My Manyak BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon