4

4.8K 56 0
                                    

Adeline's POV

Hindi ko alam kung paano mag rereact. Bakas pa rin sa mukha ko ang pagkagulat.

'Si Asher ba talaga ang kaharap ko?'  Bulong ko sa sarili ko. Hindi ako makapaniwala. Mas lalo siyang gumwapo. Hayyst ano ba itong pinag iisip ko.

-

Lutang lang ako habang nag didiscuss siya tungkol sa business. Puro tango na lang ako dito.

"Uhmm Adeline? Nakikinig ka ba?" Parang nabalik ako sa realidad nang tawagin niya ang pangalan ko.

"Ha? Ano? Oo nakikinig ako." Sagot ko dito. Nakita ko pa itong ngumisi sa akin.

"Anong nginingisingisi mo diyan?" Nakataas kong kilay na tanong ko dito.

"Guwapong guwapo ka ata sa akin at kanina ka pa nakatulala sa akin." Sabo nito. Agad akong napaiwas nang tingin.

"Bukod sa yumaman mas kumapal pala ang mukha mo." Sabi ko dito. Napansin ko ding napasimangot ito sa sinabi ko. Pfft nakakatawa yung mukha niya.

"Kapatid mo oh." Napatingin ako sa tinuro niya at nakita ko nga si Cassius. Naglalakad lamang ito nang mapatingin ito sa diresiyon namin. Napansin ko din ang pagkagulat sa mukha niya. Kumaway pa ito sa akin.

Maya maya pa ay sumulpot sa likod niya si Floyd. Agad itong tumingin kay Floyd at inirapan at saka naglakad. Natawa pa ko nang sundan ito no Floyd.

"Mukhang magkakatuluyan sila ah." Sabi ni Asher habang nakatingin pa rin sa labas.

"Eh tayo kaya kelan magkakatuluyan?" Nagulat ako nang bigla niya iyung sabihin. Napatingin ako dito at seryoso pa rin itong nakatingin sa labas.

"Ha?" Parang nabingi kong sagot dito.

"Wala. Tara sa park." Sabi nito at saka tumayo.

"Ehh?" Parang tanga lang ako sa mga nasasagot ko puta. Bat ba ako ganto hayyyyst.

"Tara na dali." Sabi nito at saka hinawakan ang kamay ko at hinatak ako palabas nang restaurant.

Wala na akong ibang nagawa kung hindi sumunod dito. Hayyst.

Sorry for the typographical and grammatical error.

Deal With My Manyak BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon