Adeline's POV
Ngayun magkahawak kami nang kamay habang naglalakad sa park. Ito na siguro ang huli naming pamamasiyal dito. Naupo kaming dalawa sa bench na inupuan din namin kahapon.
Palubog na rin ang araw ngayun. Parang kahapon. Pinagmasdan namin ito hanggang sa lumubog at nabalot na nang dilim ang paligid. Tanging mga poste lang nagbibigay nang ilaw dito.
"Happy Birthday." Bati ko dito sabay ngiti. "Uhmm di ko alam kung saan magsisimula pero masaya akong nakasama kita pero mukhang hanggang dito na lang ang pagsasama natin. Naka move on na ko sa ex ko at malaya ka na. Regalo ko sayo ang kalayaan mo. Happy Birthday." Yun lang ang nasabi ko. Pinipigilan kong umiyak. Nagulat ako nang yakapin ako nito at bumulong sa tenga ko.
"Salamat." Yung ang nasabi niya at saka tumalikod ay naglakad. Nasasaktan ako. Ayokong lumayo siya pero yun lang ang magagawa ko para siya naman ang sumaya ang palayain siya. Nang makalayo siya ay umalis na ko. Tumakbo lang ako habang umiiyak. Ang sakit.
Asher's POV
Tuloy tuloy ang pagluha ko habang lumalakad palayo sa kanya. Bakit? Bat ako nasasaktan?
Gusto kong bumalik. Yung ang inuutos nang utak ko pero pagtingin ko sa direksiyon niya ay wala na siya.
"Yun ba talaga ang gusto niya?" Tanong ko sa sarili ko. Shit!
Agad akong tunakbo pabalik sa kanya pero wala na akong naabutan. Tumingin pa ako sa iba't ibang direksiyon para hanapin siya pero wala. Napa upo na lang ako sa bench at saka patuloy na umiyak.
"Mas gusto ko pang magpaka alipin sayo kesa maging malaya sa piling mo." Bulong ko sa sarili ko.
Adeline's POV
"Kung ang palayain ka ang magbibigay kasiyahan sa'yo. Gagawin ko, kahit masaktan pa ako. Basta para sa'yo." Sabi ko sa sarili ko habang nag eempake. Pupunta ako sa America para makalimot sayo. Siguro dito na nagtatapos ang pinagsamahan natin.
Wala akong ibang nagawa kung hindi umiyak. Umiyak lamang nang umiyak.
"Congrats Asher. Ikaw ang nanalo sa deal natin. Malaya ka na." Bulong ko sa sarili ko.
Wakas
Sorry for the typographical and grammatical error.
BINABASA MO ANG
Deal With My Manyak Boss
RomanceSimpleng trabago lang ang hanap ni Asher Dean nang bigla siyang matanggap sa isang kilalang kumpanya. Akala niya ay simpleng trabaho lang ang naghihintay sa kanya pero nagkamali siya doon kasi magiging Sex Slave siya.