CHAPTER 3

10.6K 96 0
                                    

Adeline's POV

Ngisi ang sinalubong sa akin nang pinakamamahal kong kapatid. Tsk.

Siya si Cassius. Nakababata kong kapatid. Guwapo pero... Tigilid.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko dito. Pumupunta lang naman ito dito kapag may kailangan siya.

"Wala naman ate. Dinadalaw lang kita." Nakangiting sagot nito sa akin. Wow himala ahh walang kailangan.

"Mukhang may bago kang slave ahh. Baka naman pwede mo siya i share sa akin." Sabi niya sa akin habang nakangiti pa rin.

"Hindi. Humanap ka nang sayo. Tsk." Seryoso kong sagot dito.

"Mukhang guwapo ang bago mo ngayun. Mukhang type ko siya." Nakangisi niya pa ring sabi sa akin.

"Saka kala ko ba naka limot ka na eh bakit may bago ka nanamang laruan? Mukhang hindi ka pa nakaka move on kay-"

"Shut up." Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Ayoko nang maalala ang ex ko.

"Kung wala ka nang ibang sasabihin. Pwede ka nang umalis." Seryoso kong tugon dito. İnirapan lang ako nito at saka tumalikod at saka naglakad paalis.

Asher's POV

Nagising ako sa pagkakatulog ko nang may marinig akong nag uusap sa labas.

"Saka kala ko ba naka limot ka na eh bakit may bago ka nanamang laruan? Mukhang hindi ka pa nakaka move on kay-"

Rinig kong sabi nang isang lalaki.

"Shut up."

Boses ni Adeline yun. Sino naman kayang lalaki yung hindi niya makalimutan? Hayystt hindi ko na problema kung sino yung ex niya.

Maya maya pa ay muli nanaman siyang pumasok dito sa silid. Tinanggal na niya ang pagkakaposas sa kamay ko at inabutan ako nang damit.

"Maghanda ka bukas. Papakilala kita kali mama." Seryosong sabi nito sa akin.

"Bilang ano? Sex slave?" Kunwaring natatawa kong sambit dito.

"Hindi." Tugon nito sa akin.

"Eh ano?" Tanong ko sa kanya.

"Bilang boyfriend." Halos mapanganga ako sa sabi niya. Ako? Boyfriend. Shit ano ba itong pinasok ko.

"Dadagdagan ko ang sahod m-"

"Payag na ko." Pagpuputol ko sa sasabihin niya at saka ako nag bihis.

"Good. Nagpadeliver na ko nang makakain. Dadating na yun dito maya maya." Sabi nito at saka nag focus na siya sa ginagawa niya sa laptop niya.

Sorry for the typographical and grammatical error.

Deal With My Manyak BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon