CHAPTER 14

3.1K 63 1
                                    

Ganoong tagpo ang naabutan ni Myra na sabi nya ay kanina pa sya kumakatok kaya kusa na nya itong binuksan.

"Okay ka lang ba, Señorita?" kakatapos ko lang kumain ng lunch ng ayain ko syang maupo sa kama ko para magtanong, kinalimutan ko na muna ang plano na hatidan ng lunch sila Dimitri.

"Muntik na ako ma rape diba?" agad kong tanong, mukha naman syang na caught off guard dahil agad agad syang tumayo at umiiling.

"H-Hindi ah, tanong mo pa kay Señorito Dimitri." ako naman ang napailing sa sagot nito.

"Naaalala ko na." I smiled nang maglikot ang mata nya ngunit maya maya ay agad na bumuntong hininga at umupo ulit.

"Sorry po, Señorita."

"Wag kang mag sorry, gusto ko lang malaman kung bakit hindi nyo sinabi saakin?"

Bumuntong hininga ulit sya na parang hirap na hirap at ayaw magsalita ngunit pinilit o mas tamang sabihin na kinonsensya ko sya hanggang sa magsalita sya.

"Eh kasi po, sinabihan kami ni Señorito na kalimutan ang nangyari saiyo at wag mabanggit banggit iyon na parang hindi nangyari, na parang noong nagising ka ay unang beses ka naming nakilala. Lahat po ng trabahador ay sinabihan nya at pinagbantaan na pag may nabanggit saiyo ay tanggal agad sa trabaho."

Kumunot ang noo ko, at nag iinit ang mukha ko sa inis na mukhang napansin nya.

"Pero wag po kayong magalit sakanya, dahil ayaw nya lang po na balikan nyo yung masamang ala ala na iyon at sabi din daw po ng doctor na tumingin saiyo na mas makakabuting hindi mo na maalala dahil Señorita, kung nakita nyo lang ang sarili nyo habang nawawala sa sarili, maawa at matatakot kayo para sa sarili nyo. Parang kahit anong oras kaya nyong kitilin ang sariling buhay, kaya din po ako at si Señorito lang ang nakakapasok dito bukod sa doctor mo." batid ko ang lungkot sa boses nya, sobra siguro talaga akong naapektuhan at ayaw lang maulit ni Dimitri.

"Si Señorito, halos hindi na po umalis at matulog iyon. Minsan ko rin nakikita na namamaga ang mata dala ng iyak siguro. Wag ka sanang magalit señorita pero sobrang nakakaawa ka po talaga na tanging pagtulala at pagtingin lang sa galaw namin ang nagagawa mo." ramdam ko na may humaplos na mainit sa puso ko nang sabihin nitong umiyak si Dimitri at binantayan lang ako habang wala ako sa sarili.

Hindi ko din masisi ang sarili ko kung bakit nawala ako sa sarili, buong akala ko ay nakapatay ako at muntik na din magahasa. Si Dimitri din ba ang yumakap saakin nung gabing iyon?

Umagos nanaman ang luha galing sa mata ko, mahal nya talaga ako?

"Nasaan na yung lalake?" gusto ko lang kumpirmahin.

"Nasa kulungan ho sa kabisera, balita ko habang buhay na pagkakabilanggo ang naging parusa, hindi ko alam kung anong ginawa ni Señorito para maging ganon,galit na galit sya at sa pagkakaalala ko hindi habang buhay ang pagkabilanggo kung attempted rape ang kaso pero baka mali lang ako. Ang mahalaga hindi ka na nya ulit masasaktan."

I nodded and smiled, she really became my friend. Sya ang unang dumaldal saakin at una kong nakita noon bago ang kambal nya.

"Kilala mo ba si Maxine?" I decided na ibahin na ang usapan dahil ang init na ng puso ko sa mga ginawa ni Dimitri.

Agad na napatango si Myra, naalala ko pumunta kami sa burol noon dahil kaibigan iyon ng isang kasambahay dito.

"Opo, Ang alam ko lang matagal nang may gusto si Maxine doon pero hindi naman nasusuklian yon ni Señorito."

"Pero bakit nya ako nagawang sabihan ng slut dahil kay Maxine? Galit na galit pa sya sa ginawa ko kay Maxine?" malungkot kong sabi at hindi maiwasang samaan ng loob.

My Innocent Man (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon