I woke up with a massive headache, dala siguro ng pag inom ko ng alak at nang pag iyak ko kagabi.
Hindi ko maiwasan masaktan. Mahal na mahal ko pa talaga si Dimitri, hindi nga ata nabawasan. Wala akong masisi kundi ang sarili ko dahil ako ang may gustong lumayo. Kung hindi sana ako sumama at itinaboy ito siguro masaya kami or not? Dahil tulad nga ng sabi ko, halos mawala ako sa katinuan noon, hindi makapag isip ng tama so I really didn't know kung tama ba ang naging pasya ko or hindi. We were both badly hurt at hindi ko alam ang ginagawa noon so I decided na sumama kila mom paalis, which mades me good dahil naayos ang mentality ko but not my heart.
I let out a long sigh.
I badly want to talk to him right now. Gusto ko nang kapatawaran sa lahat para masimulan ko ang Plan: Acceptance. Nagpasya akong magpa book ng ticket online at iyon ay sa sabado na. Friday na ngayon. I am planning to stay in Zamayad for 3 days? Then yayayain ko na sila mom na umuwing US pag nagkaroon na kami ng closure ni Dimitri.
I took a long bath para kahit papaano ay mawala ang sakit ng ulo ko.
Pag baba ko after kong mag ayos ay wala akong naabutan na kapamilya ko maski yung mga kaibigan ko. Umakyat ako ulit baka kasi tulog pa sila pero wala talaga. Nasaan ba ang mga tao dito? Pansin kong pati mga katulong ay wala. Pinagkibit balikat ko nalang iyon dahil bka nagkataon lang na sabay sabay silang may gagawin. Nagpunta ako sa kusina at napabuntong hininga dala ng inis na wala man lang akong nakitang pagkain.
Nagluto ako ng scrambled egg, tuyo para sa tanghalian at nagtimpla din ng kape. I know pang breakfast to pero anong magagawa ko? Ito ang pinakamabilis na maluto eh.
"Nasaan ba ang mga tao?" inis kong sabi sa sarili ko ng maghapon na ay wala pa ring bumabalik. Nasa sala ako nanonood mag isa. Gusto ko sanang mag paalam o kaya yayain sila mom sa Zamayad para mag relax muna pero wala akong mayaya.
Sinubukan ko nang tawagan ang mga pinsan at kaibigan ko pero walang sumasagot, miski isa sa magulang ko ay wala din.
Napipikon na ako. Dahil buong maghapon kong inisip si Dimitri and imagining things he'd done with her ang nakakapagbaliw sa akin. kung baliw din ba siya sa katawan nung babae na iyon ngayon? Kung naka back hug ba siya doon habang nagluluto at siya ay naglalambing? Kung pa ulit ulit nya bang sinasabi dito kung gaano nya ito kamahal? Alam kong sinasaktan ko lang ang sarili ko but I can't help it.
Iniisip ko na masaya siya ngayon at iyon ang pinakamahalaga saakin.
Ayos lang maging malungkot mag isa habang masaya ang taong mahal mo sa iba.
Kasi if I love him? I will also love what he loves even if that includes her,ang babaeng bago nyang mahal. Magiging masaya ako para sakanya kahit na ang kapalit non ay pang matagalang sakit at kalungkutan.
Paulit ulit ang malalim kong pag hinga para pigilan ang nagbabadya kong luha.
Pagkatapos ko mag dinner, nag pa deliver nalang ako ay umakyat ako sa kwarto para maligo at matulog.
Nag iwan nalang ako ng message sa kanila na aalis ako bukas at mag call sa akin pag nabasa nila ang message.
Natulog akong mabigat ang dibdib, nagising din akonh mabigat ang dibdib. This is it, hours from now magkikita ulit kami.
Kumain muna ako bago mag ayos ng mga gamit. Kaunti lang ang dadalhin ko dahil ilang araw lang naman ako doon. Umalis ako ng bahay bandang one ng hapon para sa 3pm flight ko. Ang dating ko doon ng mga 5pm sakto lang para sa dinner.
BINABASA MO ANG
My Innocent Man (COMPLETED)
Lãng mạnQueen Bella Navarrez is a typical spoiled brat, born with a golden spoon in her mouth. She runs a company that her parents let her managed right after she graduated, It manage the supplies of different products like wine, coffee, sugar and fruits al...