CHAPTER 10

3.4K 76 4
                                    

Tanghali nang umalis kami ni Dimitri sakay ang kotse nya, sabi nya ay pupunta kami sa kabilang bayan dahil may ka meeting sya doon.

Nang magising ako kanina ay sobrang himbing pa ng tulog nya at nakasiksik lang sa leeg ko, at nang gisingin ko ito dahil may trabaho nga ayaw nya pa daw. Matulog pa raw kami, kaya wala akong nagawa kundi magpayakap sakanya at tignan lang syang matulog. He looks so innocent while sleeping. well, he also looks innocent when his eyes were open but he looks like a rugged guy. I mean hindi naman na mukha syang marumi, he honestly looks sinfully handsome, yung mga matang inosenteng nakatingin sa iyo pero parang may tinatago. 

I can't help it, admiring his appearance.

"Tomorrow, uuwi sila Mrs and Mr Montebello."

He mean his parents? Why does he called them like that?

"Your parents?" takang tanong ko, baka kasi auntie and uncle nya pala.

Tinignan nya ako, dinala ang kamay ko sa tapat ng bibig nya at hinalikan ang likod nito. 

"You can say that." kunot noo ko syang tinignan, naguguluhan ako sa sinasabi nito. Parang hindi nya magulang ang paparating. Magsasalita na sana ako ng magsalita ulit ito. "Two days lang sila, may kukunin lang."

Seryoso ang mukha nito kaya hindi na ako nagtanong pa.

I wonder kung anong kukunin nila para sumeryoso nang ganito si Dimitri? 

Dumating kami sa isang restaurant, nauuna sya at nasa likod nya naman ako. Pumasok sya sa isang kwartong itinuro ng waiter.

Pagkapasok namin nakita ko ang isang babaeng naka pencil cut skirt and she wore a silk top with a coat above it, she's also wearing a red high heels.

Napataas ang kilay ko dito, she looks sexy formal and professional. I can't help but feel insecure with what I'm wearing. 

Old jeans, sneakers and fitted T-shirt. Napilit ko kasi na bilhan ako ng kahit T shirt lang si Dimitri and ofcourse I requested myra, who brought it, na fitted ang ibili.

I sighed.

"Good afternoon Mr Montebello. I am Ms Stacy Macaraig, the secretary of Mr James Bautista. He can't make it today because he is sick."

"Dimitri Montebello at sya naman si Queen Bella." tumango lang ang babae at iginaya na kaming maupo.

Magsimula sila mag usap at palipat lipat lang ang tingin ko sakanilang dalawa. Napapansin ko na yung babae ay patingin tingin sa kung saan saang parte nang katawan at mukha ni Dimitri.

Flirt!

Yung mga patingin tingin nya dito at kagat labi ay nangangahulugang type nya ito.

I wonder kung may naiintindihan ba ito sa sinasabi ni Dimitri.

Kapag yumuyuko ito ay lumalabas lalo ang tuktok ng mayaman nitong dibdib, I narrowed my eyes on her dahil mukhang sinasadya nya. 

Napapatingin ako kay Dimitri kapag nakikita ko ang dibdib ng babae at dalawang beses ko syang nakitang nakatingin doon!!

Pervert!

Ayaw nyang nakikita ang akin, pero pag sa iba ay todo sawa ang mata nya.

Nangigigil kong hiniwa ang karneng nasa plato ko. Mukhang napansin naman nila iyon.

"Okay ka lang, Señorita?" tanong ni Dimitri.

I glared at him and nodded. Mukhang hindi sya naniwala, magsasalita na sana ulit sya ng hawakan ng babaeng nasa harap ang kamay nito.

My Innocent Man (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon