CHAPTER 11

3.3K 76 2
                                    

Nagising ako sa ingay ng tubig sa CR sa loob ng kwarto ko. Umupo ako na sakto namang lumabas doon ang isang babae, si Myra.

"Ay gising na po kayo, Señorita. Dinala ko na po ang breakfast nyo dahil bawal pa bumaba." tumingin ako sa orasan.

Alas diyes ng umaga.

"Bakit bawal?" takang tanong ko.

Pumunta naman sya sa closet ko at inilagay ang mga tingin ko ay bagong labang damit.

"Hindi ko rin po alam, inutusan lang po kami ni Señorito Dimitri na manatili dito sa taas at wag bumaba hangga't hindi nya sinasabi." nakatalikod ito saakin dahil inaayos ang mga damit ko.

"Ano bang meron?"

"Narinig ko ho na may kukunin sila sa basement at bawal ito makita ng mga katulong maliban sa mayordoma." lumapit ito sa tray na naglalaman nang pagkain at inilapit ito saakin. "Kain na ho, Señorita. Alam nyo po ba na may natuklasan ako." chismosa na chismosa ang dating nito kaya na curious ako sa sasabihin nito.

"Ano iyon?"

"Lahat po ng kasambahay, maliban sa mayordoma ay natanggap 8 years ago." bulong nito na parang may makakarinig saamin.

Nagtataka ko itong tinignan, ano naman? Mukhang nakuha nya naman kaya bumulong ulit ito.

"Nakakapagtaka lang ho kasi, hindi naman po 8 years ago itinayo ang bahay na ito at imposible po na mayordoma lang ang kasambahay nila sa laki ng bahay na ito. Ibig po kasing sabihin non, sabay sabay napaalis ang mga kasambahay noon at kami ang kapalit. Nakakapag taka lang po na anong meron? May tinatago kaya sila?" napatango ako sa sinabi nito.

Hindi nga pwedeng isa lang ang mag sisilbi dito sa laki ng mansyon ay talagang imposible. Para tuloy lumalabas na may maitim na sikreto dati ang pamilya Montebello. Ano kaya iyon? Baka iyon na ang makakapag pabagsak sakanila.

Kala ko hanggang doon lang si Myra pero nagpatuloy pa ito sa pagsasalita.

"Rinig ko po na sa basement galing ang kukunin nila. Nakapasok na ako doon dahil nagpadala si Señorito Dimitri ng pagkain, pagbaba ko doon ay may sa lima ata ang silid, at nakita ko sa labas ng silid si señorito na parang inaantay nga ang pagkain. Pagkaabot ko nun ay saktong lumabas ang tatlong doctor mula sa silid, tapos may nakita akong kama at isa lang ang sigurado ako, Señorita." pabitin nito kaya lalo kong inilapit ang mukha ko sa kanya dala ng kuryosidad.

"May nakahiga doon." napabuntong hininga ako sa sinabi nito.

"Ano naman kung may nakahiga? Kama nga diba? Pinagloloko mo lang ako Myra. Yung chismis mo walang mahalagang impormasyon." naiiling ako dito dahil kala ko isang malaking rebelasyon na ito.

"Ay si Señorita tanga!" bigla nitong sigaw kaya tinaasan ko ito ng kilay.

Ako pa naging tanga? Sino kaya mukhang tanga saamin e wala namang kwenta ang sinasabi nya.

"Ang ibig ko po kasing sabihin, may pasyente doon. May mga doctor na lumabas, may nakahiga at sa basement pa talaga ito inilagay? Hindi ba kahina hinala? Madalas ko din makita si Señorito Dimitri na pumunta doon tuwing gabi dati pa, at kagabi ay tatlo silang mag anak ang bumaba doon. Gets nyo na po?"

Napaisip ulit ako sa sinabi nito, may point sya. Kung may pasyente bakit nandito sa bahay, worst is nasa basement pa? Sino iyon? Bakit tinatago ng mga Montebello?

Naalala ko naman na may kukunin lang ang mag asawa dito at aalis na din. Naalala ko din ang usapan nila kagabi, hindi kaya ang tinutukoy nilang 'him' ay iyong nakita ni Myra? 

Pero bakit? Sino ba talaga iyong taong iyon? 

Nakarinig kami ng wang wang ng ambulansya kaya sabay kaming sumilip sa balkonahe ng kwartong ito.

My Innocent Man (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon