CHAPTER 29

3K 58 0
                                    

Papalabas ako mula sa bar na pinuntahan namin ng mga kaibigan ko dito sa metro. Galing pa kaming Zamayad and this is the first time I've been here dahil na rin sa kuntento na ako sa buhay ko sa probinsya. We decided na lumuwas dahil sa katuwaan.

Paglabas ko ay naglakad lakad ako sa paligid non. Hindi naman ako lasing dahil hindi naman ako pala inom na tao. 

I was thinking how it feels like when you had your biological parent beside you? Supporting you and pushing you to pursue your dream? That's the feeling I am longing for a long time now. I am thankful that my mother's family kept me and treat me like their own but I can't help to think about my late biological parent. I don't have a siblings kaya ramdam ko ang pagiging alone minsan. My parents right now are the best, they gave everything I need and I feel sorry that I think they aren't enough to fulfill the gap in my heart. The missing part. 

I sighed and look around, and there I saw a woman crying. Nakaupo sya sa upuan na nakapwesto sa labas ng convenience store. Nakatulala ito pero batid parin ang ka malditahan nito. A brat, I thought. But instead  of walking a way, I found my self staring at her. She looked young and stupid yet so beautiful. 

Ano kayang problema niya? It's not safe na mag isa sa gabi lalo na't mukha syang lasing. 

Nakita ko ang ilang kalalakihang nag tutulakan na parang gustong lapitan ang babae. I don't know what's gotten into me but I hurriedly walk towards her and sat infront of her. 

I looked at the dudes and nodded, dismissing them na agad naman nilang nakuha. That's right, back off. 

Bumalik ang tingin ko sa babaeng ngayon ay kaharap ko na. Mas lalo siyang maganda sa malapitan. Nakakahabag lang ng emosyon nya. She looks really sad na kahit sino ay mahahalata. 

Ano bang ginagawa mo Dimitri? Stop meddling with someone's problem! 

But meddling with someone's problem can mend their souls even for a while. Maybe I can help. I can be her crying shoulder for tonight. 

Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sa kanya kaya nagulat ako ng bigla siyang tumawa na kalaunan ay naging mga hikbi. 

This girl is drunk and broken. Who made such a beautiful woman cried like this? 

Wala akong ginawa sa kinauupuan ko kundi titigan siya. Not saying any words or giving her a handkerchief. I just want her to feel na hindi siya nag iisa. 

Saying a comforting words or giving something to wipe someone's tears were someimes not really recommended at all. That's for me dahil una hindi ko siya kilala saying everything will be alright is not applicable at all times, being quiet and making her feel your presence is already enough. Pangalawa, wala akong handkerchief or tissue anong ibibigay ko? I let her wipe her own tears because she can, as I know she can handle her problems. I find her fierce and tough, yung babaeng tipong hindi nag papaapi dahil siya mismo ang mang aapi. 

But behind that firce look, there's a broken soul that lies beneath. 

"Alam mo bang minsan na akong nagpalobo ng condom sa loob ng mall?" sabi ko trying to lighten up the heavy atmosphere.

"what?" well that's true. Dare lang iyon at buti nalang pambomba ng loob ang pinagamit at hindi ang bibig ko dahil kung oo mga nawalan na ng ipin ang mga kaibigan ko. 

"Alam mo din bang may baklang lumapit sa akin nun at sinabing, 'pwede mong subukan sa akin.' in a most seductive way." natawa ako sa naalala ko dahil mukhang trip lang din ng baklang yon pero syempre dahil dakilang inosenteng lalaki kuno daw ako ay halos tumakbo ako sa hiya. That was really a funny experience.

My Innocent Man (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon