Lumipas ang mga araw na pakiramdam ko ay nakatulala lang ako at ang lalakeng pamilyar ang mukha ang araw araw kong nakikita.
Nakikita ko rin ang pagbukas nito nang bibig na animo'y nagsasalita ngunit wala akong maintindihan or marinig.
Hindi ito umaalis sa silid na kinaroroonan ko, makakatulog akong nandito sya at magigising akong nandito pa rin sya.
Araw araw nya akong nginingitian at sa tingin ko ay nagkukwento ito dahil minsan ay tatawa at malulungkot ito, wala naman akong magawa kundi tumitig lang sa mukha nito.
Sa araw araw na nakikita ko ito hindi nagbago ang mga mata nyang malulungkot na tumitingin saakin. Minsan pa ay may luha ito sa mukha, gusto kong pahidan iyon pero tanging tingin lang ang nagagawa ko.
Nakakapag isip ako pero parang may kulang, hindi ko alam ang nangyayari saakin at sa paligid ko. Parang bago akong sanggol na walang ibang gawin kundi umiyak o manitig.
Nandito nanaman sa kwarto ang lalakeng ito at nagsasalita base sa buka ng bibig nito.
"Pag maayos ka na, ipapasyal kita sa mga paborito kong pasyalan dito. Pasyalan naming magpipinsan iyon sigurado akong marerelax ka kasi walang tao kundi mga isda lang." nakangiti ito saakin at nakahawak sa kamay ko na hindi nya binibitawan.
Nakatingin ako sa labi nitong nakangiti, sobrang ganda ng pagkakangiti nito at nahahawa ako. Naramdaman ko ang pag angat ng parehong sulok ng labi ko, biglang umawang ang labi nya at nawala ang magandang ngiti nito.
Tinignan ko ito sa mata at bakas ang pagkagulat sa magaganda nitong mata.
'bakit?' gusto kong isatinig ngunit pipi pa rin ang bibig ko.
"N-Ngumiti ka Señorita ko, pwedeng isa pa?" nagsalita ito ngunit hindi ko pa rin talaga maintindihan.
Nagtataka ko syang tinignan, bigla itong ngumiti ng malaki at itinuro pa iyon ng daliri nya. Nahawa ulit ako sa malawak nyang ngiti.
Bumalik ang tingin ko sa mata nito ng huminga ito ng malalim, nakita ko ang paglandas ng luha nito sa mata na agad nya namang pinahidan, hindi nawawala ang malawak nitong ngiti.
"Matulog ka na Señorita ko, gabi na. Papalinisan nalang ulit kita kay Myra para presko kang makatulog."
Hiniga nya ako mula sa pagkakaupo at nag humm ito habang hinahaplos ang bunbunan ko.
Namigat ang talukap ng mata ko at pumikit ako, ang huli kong nakita ang ngiti nya.
NASANAY na ako sa pakiramdam na parang lumulutang at walang alam sa mga nangyayari, at lalo akong nasanay sa presensya ng lalakeng laging nasa tabi ko.
Ngunit ngayong araw pagmulat ko ng mga mata ay hindi ko sya nakita, bagkus ang isang babae ang naabutan ko. Lagi ko din syang nakikita dahil naghahatid sya ng mga pagkain, minsan ay sya ang naglilinis sa katawan ko.
"Alam mo Señorita, Si Señorito ay halos hindi na matulog kakabantay sainyo. Kakain iyon pag pinilit pa ng mayordoma, ayaw ka nyang iwan kasi minsan inaatake ka at nagwawala. Hindi na ito nakakapunta sa mga plantasyon at palayan kasi ikaw ang inuuna nya, kung hindi lang doon sa sinabi nyang may inaantay sya iisipin ko na mahal ka ng Señorito dahil sa sobrang pag aalaga nya sayo."
Nakatingin lang ako sa mukha nito at bibig na bumubuka, nagiging malinaw na ang naririnig ko ngunit wala pa rin akong maintindihan.
"Kumusta na siya Myra?"
"Ganoon pa rin po Señorito, tulala pa rin. Ay tyaka nga po pala, si Zach po ay gustong bisitahin ulit ang Señorita pero dahil wala po kayo hindi po namin pinapasok tulad po ng utos nyo."
BINABASA MO ANG
My Innocent Man (COMPLETED)
RomanceQueen Bella Navarrez is a typical spoiled brat, born with a golden spoon in her mouth. She runs a company that her parents let her managed right after she graduated, It manage the supplies of different products like wine, coffee, sugar and fruits al...