Papasok na kami ng mansyon na magkahawak kamay ni Dimitri at parehong may mga ngiti sa labi. Sa hindi inaasahang oras ay nakita namin si Maxine na mariin ang titig sa kamay naming dalawa. Wow, akala ko nabaon na sa lupa ang babaeng ito. Ilang linggo ding hindi nagpakita kaya akala ko hahayaan nya na kami.
Huminto sya sa harap namin, diretyo ang tingin nya saakin at base sa itsura nya alam kong hindi ko magugustuhan ang sasabihin nito.
"Can we talk?" tanong nito saakin.
"Bakit? Anong pag uusapan niyo? Gabi na ah?" sabat ni Dimitri. Humigpit ang hawak nito, mukhang ayaw akong payagan. Go, Dimitri! Don't let me talk to this leeche.
"Saglit lang naman. May dapat lang kami pag usapan, diba Bella?" tumaas ang kilay ko sa pagdiin nito sa pangalan ko.
Mukhang may seryoso syang sasabihin kaya pagbigyan ang linta.
"Mauna ka na Dimitri." ngumiti ako sa kanya to assure him na okay lang ako. Nag aalangan man ay sinunod ako nito.
"Lipat ko lang iba mong gamit sa kwarto ko." I nodded.
Nang wala na sa paningin namin si Dimitri ay bigla akong nakatanggap ng sampal mula kay Maxine.
ano bang problema ng maasim na ito?
I clenched my jaw, stopping myself to hurt her because I know I am capable of making her spit blood.
"Mang gagamit ka! Mukhang pera!" sigaw nito. Akma ulit akong sasampalin nito ng hinawakan ko ng madiin ang kamay nito.
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Alam ko ang plano mo! Anong karapatan mong saktan si Dimitri? Mukha kang pera! Manggagamit!" malalalim ang hininga nito habang pumipiglas sa hawak ko.
"Hindi kita maintindihan." liar! Deny pa.
"Plano mong pakasalanan si Dimitri at kunin ang lupa nya diba? Walang kasing kapal ang mukha mo! Hinayaan kita dati dahil sa request ni Dimitri, nirespeto kita at tinigilan pero ikaw pala ang dapat paalisin! Planado din ang tangkang pag re rape sayo anoo?! Lahat planado mo, kaya una pa lang duda na ako sayong babae ka!" Hindi ako makapaniwala sa bintang nito. Okay may plano ako kay Dimitri noon pero nagbago iyon ng magsimulang may naramdaman ako sa kanya lahat tatanggapin kong pang aakusa pero yung sinabi nyang pinlano ko pati ang tangkang pang rape saakin? That's too much!
"Ang galing mo naman pala? Ang husay mong mag imbento ng kwento ah!" sa inis ko ay itinulak ko ito ng malakas at nilayasan. Wala akong oras sa mga panghuhula nya.
"Bumalik ka dito, malandi ka!" rinig ko ang mga sigaw nito pero binilisan ko ang lakad ko para makapunta sa kwarto.
It's not safe na pagusapan ang ganoong bagay dito, baka kung sino pa ang makarinig lalo na si Dimitri, hindi pwede. Babalikan ko nalang yang Maxine na yan at magtutuos kami pag malayo na kami kay Dimitri, isasama ko din si Imelda dahil malamang siya ang nagsabi ng bagay na iyon kay Maxine.
Pagkapasok ko sa kwarto ay hiniling ko na sana ngayon ko nalang hinarap si Maxine at nakipagtalo kaysa pumuntang kwarto dahil ngayon ay nakikita ng dalawang mata ko ang mga pills na nakakalat sa sahig at kama habang si Dimitri ay nakasandal ang noo sa pader, halatang sinuntok nya ito dahil sa dugo sa kamao nya.
"Lumayas ka sa pamamahay ko." madiin nitong bulong, sa katahimikan ng gabi ay hindi na imposibleng marinig ko ito.
Bigla ay hindi ako makahinga ng maayos at nanghihina ang tuhod ko na naging dahilan para mapaupo ako sa sahig. Hindi ko alam ang sasabihin, gusto kong magpaliwanag pero hindi nakikisama ang bara sa lalamunan ko.
BINABASA MO ANG
My Innocent Man (COMPLETED)
RomanceQueen Bella Navarrez is a typical spoiled brat, born with a golden spoon in her mouth. She runs a company that her parents let her managed right after she graduated, It manage the supplies of different products like wine, coffee, sugar and fruits al...