Tatlong araw na ang lumipas simula nang magising ako, araw araw akong niyayaya ni Dimitri na sumama sakanya ngunit tumatanggi ako.
Alam kong dapat ay sumasama ako sakanya dahil sa plano ko pero hindi ko talaga maiwasan magtampo sakanya na parang ipinamukha nya saakin na isa akong malanding babae at ibinabalandra ko ang katawan ko.
Araw araw naman syang nagsusubok na kausapin ako pero iniiwasan ko talaga sya, tanghali na ako nagigising kaya wala na sya sa bahay, pinapasabi nya lang kay Myra kung magbago ang isip ko na sumama ay tawagan lang sya. Pag dinner naman kumakain ako ng maaga para maaga ding matulog, kinabukasan ay sinasabi ni Myra na binibisita ako nito sa kwarto bago ito gumawi sa sariling kwarto.
Gabi na at nagpapaantok nalang ako ngunit hindi ako madalaw ng antok parang may inaantay ang katawan ko.
Agad akong napapikit nang bumukas ang pintuan, naamoy ko ang pabango ni Dimitri kaya mas pinagbuti ko pa ang pagpapanggap na tulog.
I heard him sighed. Lumubog ang kaliwang parte ng kama ko kung saan ako nakatalikod, nangangahulugan itong may umupo doon.
Maya maya ay naramdamn ko ang kamay nito sa bewang ko, at dibdib nito sa likod ko. Hindi pala ito umupo, kundi humiga ng tabi saakin.
"I'm really sorry Señorita ko, nag aalala lang ako na baka may magnasa nanaman sa katawan mo at mapahamak ka." naguguluhan ako sa sinabi nito, may magnasa? E nasa bahay lang naman ako at sya lang ang lalake sa oras na iyon, naalala kong may mga driver at trabahador palang nagdedeliver akong nakita.
Lalong humigpit ang yakap nito at nararamdaman ko na ang ilong at labi nito sa aking batok.
"Akin lang yan Señorita ko, Akin ka lang." bumulong ito ng sobrang hina na hindi ko na naintindihan dahil sa nagpaulan ito ng mga halik sa batok ko.
Komportable ako sa mga bisig nito kaya hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.
NAGISING ako nang wala na sa tabi ko si Dimitri, nanghinayang ako dahil ineexpect ko na sa bisig nya pa rin ako magigising.
"Gising ka na Señorita?" nakita ko ang pagpasok ni Myra na may dala dalang damit. Naka bath robe lang ako at pabihis na nang bigla syang sumulpot.
Napansin nya naman na nakatingin ako doon kaya inabot nya saakin habang nakangiti.
"Ayan po pala ang susuotin nyo, kay Señorito po itong polo at ang pantalon ay pinahiram ni Milda, yung medyo may katabaan na kasambahay dito."
Katabaan? Tumaas ng bongga ang kilay ko, parang gusto kong manampal ngayon.
"So sinasabi mong mataba ako?" gigil kong sambit dito.
Hindi ako pumupunta sa gym at tumatakbo ng ilang metro para lang masabihan ng mataba.
Napansin nya agad ang panggigil ko sakanya ngunit imbis na matakot ay tumawa pa ito.
"Ang ganda nyo pa rin po kahit naiinis, Señorita. Hindi naman po kasi kasya saiyo ang mga pantalon ko dahil payat ako, malaki po kasi ang balakang nyo at pwetan kaya po doon po sa medyo mataba na kasambahay ako nanghiram." tuwang tuwa pa rin ang mukha nya at mukhang naaliw sa inis kong mukha.
"Meron akong damit dito hindi ko kailangan yan." sambit ko at pumunta sa closet para makapili ng susuotin, naka bath robe pa rin kasi ako.
"A-Ah e-eh--"
"Nasaan ang mga damit dito?!!" sigaw na putol ko sa sinasabi nya, wala kasi ang mga nakita kong damit dito, puro sandals at sneakers lang ang natira pati underwear.
Kunot noo ko siyang binalingan.
"Yun nga po Señorita--" naputol ulit ang sinasabi nya nang may nagsalita sa likod nya, nakita ko si Dimitri na may tuwalya lang sa pang ibabang katawan nito, mukhang nabulabog ko ang pagligo dahil sa sigaw ko.
BINABASA MO ANG
My Innocent Man (COMPLETED)
RomanceQueen Bella Navarrez is a typical spoiled brat, born with a golden spoon in her mouth. She runs a company that her parents let her managed right after she graduated, It manage the supplies of different products like wine, coffee, sugar and fruits al...