Maghahapon na at maya maya ay uuwi na si Dimitri, pag gising ko kasi kanina ay pumunta na sya sa trabaho at tinatamad ako pumunta kaya nanatili nalang ako dito sa mansion. Nakatambay ako sa garden, one of my favorite place because of its huge fountain and the different kinds of flowers are everywhere.
I am browsing my phone that Dimitri gave. Hindi ko alam kung anong sumapi sa kanya dahil binigyan nya ako ng phone, pansin ko ang medyo pagluwang nya saakin hindi katulad dati na miski ata tignan ako ng ibang tao ay ayaw nya, pinagdadamot ako. Ngayon kasi ay madaming nagbago sakanya, hinayaan nya na ako sa mga damit na gusto ko, though minsan nababadtrip pa rin sya kaya pag sumasama ako sakanya sa plantasyon ay hindi nya inaalis ang braso sa bewang ko. Isa pang sign ay ang cellphone, pag hinihiram ko kasi ang cellphone nya para makitawag ako ay ayaw nya ipagamit maski ang telephone ng mga Montebello, para syang may iniiwasan na gawin ko na ewan kaya gulat na gulat ako na binigyan nya ako ng cellphone. He really changed, pati pagmamahal nya ata ay tumindi na gustong gusto ko naman.
I was scrolling at my facebook feed nang biglang nag pop out ang message mula sa messenger.
It came from my friend, Fiona.
[Queen Bella! Where in the hell are you?! You've been gone for God knows how many months! ]
I smiled when I read her message, nakakamiss talaga ang mga kaibigan ko. Without a second thought I click the video call button.
I am just waiting na ma connect ang call namin ng makita ko si Dimitri na nakangiting papalapit saakin. Akala ko mamaya pa ito?
"you're early." I stated, he just smile and kiss my cheeks, sakto namang na connect ang call namin kaya ayon agad ang naabutan nila. I am expecting na si Fiona lang ang makikita ko pero kumpleto silang tatlo doon.
"OH MY GOD GIRL! NAG AALALA KAMI DITO PERO YOU'RE JUST FLIRTING THERE? LIKE OH MY GOD!" nanggagalaiting sambit ni Trisha, nanlalaki ang butas ng ilong nito at nawala na sa poise ang mukha kaya natawa kami ni Fiona.
"Chill your tits, Trish. Baka pag na screen shot ko tong pagmumuka mo, iwan ka agad ni levi." Ani ni Fiona na agad namang binatukan ni Trisha. Wait? Levi? That is my cousin! Sakanya ko iniwan ang pamamahala sa kompanya, sobrang tagal ko na ba talagang nawala para maging future cousin in law itong kaibigan ko?
"How's Levi by the way? Madami kayong ikukwento saakin pag balik ko! Baka inisa isa nyo na mga pinsan ko dyan ah?" pang aakusa ko, akala ko magrereklamo sila or magkakaroon ng violent reaction kaya nagulat ako ng sabay sabay silang tumahimik at namula.
"The hell?!" nasambit ko nalang at natawa ng mag irapan sila at bumulong bulong na hindi ko maintindihan. I was laughing hard ng maramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni Dimitri sa bewang ko at pagtabi ng pisngi nya sa pisngi ko.
"Stop cussing pretty, you're turning me on." bulong nya at kinintilan ng magagaang halik ang tenga at pisngi ko. I was about to scold him dahil sa naaapektuhan ako ng may nag salita.
"What is this? Live sex?" Masungit na sabi ni matilde, ang pinakamataray saamin. Kung mataray na ako, you haven't met my master yet. She's the ceo of being a spoiled brat. Ready to fight anytime, anywhere.
Muli akong tumingin sa monitor at nakita kong dalawa nalang sila doon, si Matilde at Trisha. I frowned nang nakita kong pareho silang titig na titig sa monitor at bahagyang nakanganga. Nagkatitigan sila at biglang tumili, I am just thankful na hindi ako naka earphone at wala sila sa public place dahil walang pinipiling lugar ang kabaliwan ng mga to.
"Girl! Sino yang fafa hot sa tabi mo? Pwede pa kiss din." at sabay silang tumawa na parang baliw, nakikita na kasi si Dimitri sa monitor.
"May kapatid ba yan girl? Papalahi lang." natawa ako sa walang prenong bibig ni Trisha, kahit kailan talaga hindi marunong mahiya itong isang to. Narinig ko ang mahinang tawa ni Dimitri na ikinalaki ng ngiti ko.
BINABASA MO ANG
My Innocent Man (COMPLETED)
RomanceQueen Bella Navarrez is a typical spoiled brat, born with a golden spoon in her mouth. She runs a company that her parents let her managed right after she graduated, It manage the supplies of different products like wine, coffee, sugar and fruits al...