CHAPTER 15

3.3K 75 1
                                    

"Ano pasado na ba?" tanong ko kay Myra, balak ko na kasi ituloy ang plano ko kahapon na ipagluto sila Dimitri at ibang farmers, I just hope na magkasya ito.

I decided not to tell Dimitri that I got my memories back, ayoko nang gawing komplikado ang mga bagay bagay and last night I also decided na itigil na ang plano ko na kunin sakanya ang lupang ito, I just realize that I am going to destroyed the best and I can't do that.

I just need to talk to mom kung ano ang maitutulong ko sa state para mapalago ang negosyo doon, The last time I heard from her was our business there were also falling.

I know mahalaga sa grandparents ko ang hacienda at ang kompanya, maybe I'll think of alternative route to get back our business. Hindi pa naman ito nasa 100% of bankruptcy, iniwan ko ito sa pinsan ko while I'm thinking of ways para makabangon ulit. Ang sama ko lang na tao para isipin na kunin ang lupang ito at ito ang gamiting supply, hindi ko rin pala kaya dahil unexpectedly nag invest ako ng feelings kay Dimitri and I don't know how he will react if he finds out, pero hindi naman ako dapat matakot diba? Kasi nga itinigil ko na. Only me and my cousin knew about my plan.

"Señorita? Hindi naman po kayo nakikinig." I got back to my senses when I felt Myra tapped my shoulder.

"What is it again?"

"Sabi ko po, masarap sya at mag aalas dose na po kaya balutin na natin ito." I nodded and helped her prepare the things that need to be ready. Gumamit lang kami ng kagamitang pwedeng itapon pagkatapos gamitin para less hassle.

This is a surprise visit, kasama ko si Myra na pupunta doon at mag papahatid lang kami sa driver mula sa mansion.

Siguradong matutuwa si Dimitri nito, I heard from him kasi na may problema doon kaunti dahil sa mga peste daw sa ibang mga pananim na nataniman na nila kaya he needs to go there even he wanted to stay with me all day but I pushed him to go, he insisted pa nga na sumama ako but I told him I'm busy, hindi pa nga sya naniniwala dahil ano nga ba ang gagawin ko dito? Silly.

Malapit na kami sa palayan at natatanaw ko na silang nagtatanim, pero ang nakakuha ng atensyon ko ay si Dimitri na nakikipagtawanan sa babae. I know she isn't a farmer. With her slender body and porcelain skin while wearing a sleeveless maxi chiffon sky blue dress na umabot hanggang ibabaw ng ankle nya, Who would thought that she is one?

Papalapit pa lang pero ng taas na ng kilay ko sa nakikita.

"Señorita, kami na po ni Mang Carding ang maghahatid nito doon. Mauna na po kayo at agawin nyo si Señorito." nag senyas pa sya ng fight fight fight.

Kahit hindi nya sabihin ay gagawin ko, pero pagkalabas ko ng kotse at napatingin sa salamin nito ay napalunok ako ng wala sa oras.

This is the second time na mainsecure ako sa babaeng kinausap nya, for pete's sake I am wearing a turtle neck longsleeve, jeans and a sandals. Gracious ang panget ko!! Kulang nalang lumusong ako sa putikan at magtanim na din. Hindi ko sinuot ang binili na Tshirt sakin ni Dimitri dahil kita pa rin ang hickeys ko sa leeg at miski ang braso ko ay may pula pula pa dahil nga sa puti ko.

Nakanguso akong naglakad habang pinapatay ng paulit ulit ang dalawa lalo na si Dimitri na ang ganda ng ngiti sa kausap. Bwisit! Alam kong malapit sya sa mga taga rito pero iba talaga ang ngiti nya ngayon eh. Nakakapag pakulo ng dugo.

Napansin ata ni Dimitri na may nakatingin sa kanya kaya hinanap nya ito ng hindi naalis ang ngiti sa labi, at nang mapadako ang tingin nya saakin ay bigla itong napawi at agad agad na tumayo habang lumulunok.

Kabado ang loko.

Dapat lang dahil nahuli ko siya kasama ang kabit nya!

Hindi na nya hinintay na makalapit ako bagkus ay sya na ang lumapit saakin habang may ngiting hilaw, siguro dahil sa sama ng tingin ko? 

My Innocent Man (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon