Chapter 3

155 8 0
                                    

After 5 years

"Sharlene!" pasigaw na tawag ng mommy nya habang kinakatok ng malakas ang pintuan ng kwarto nya. "Anak bilisan mo na baka matrafic tayo nakakahiya naman kay Dony siguradong pagod yun at gusto ng makapagpahinga." Ngayong araw ang dating ni Dony mula Canada. Pagkalipas ng limang taon e ngyon lamang ito uuwi ng bansa para magbakasyon. Hindi nya alam kung anong mararamdaman nya ngayong magkikita sila ulit ni Dony. Miss na miss nya na si Dony. Hindi nya alam kung pano nya nakaya ang limang taon na hindi ito kasama "Sharlene!" pasigaw na tawag na ulit ng mommy nya. " Lalabas na ma." Tinignan nya muna ang sarili sa salamin at ng matiyak na maayos na sya at tska sya lumabas.

"Dony!" Napalingon sya sa mommy nya ng marinig nito ang pagtawag nito at sinundan nya kung san ito nakatingin. Nakita nya na palapit na si Dony sa kanila. Alam nya na kahit ilang taon pa sila nito hindi magkita e makikilala at makikilala nya ito. Pero parang ibang Dony ang nasa harapan nila ngyon. Pakiramdam nya mas lalo itong pinagwapo ng nakalipas na mga taon. May kung anong pakiramdam ang tila kumikiliti sa kanya ng mga oras na yun at nagpapakabog ng malakas sa dibdib nya.

"Tita Mylene! Shar!" Nakita nya na yumakap ito sa mommy nya bago ito humarap sa kanya at yakapin sya nito ng mahigpit.. "Namiss kita Shar.. sobra!" "Love ako din.. sobra!" ganting yakap nya dito. Magsasalita pa sana sya ng mapansin nya ang babaeng nakatayo sa likod ni Dony na nakatingin ng diretso sa mga mata nya na para bang naguguluhan. Nang mapansin ni Dony na para akong natigilan e para itong napasong napabitaw ng yakap sa kanya. Lumingon ito sa babaeng nasa likuran nito at pinakilala sa kanila.

"Hon this is Tita Mylene my mom's bestfriend.. Pakilala ni Dony sa mommy nya. Teka.. Hon? Naguguluhan syang tumungin sa babaeng pinakilala ni Dony na ngayon ay nakikipagbeso na sa kanyang ina "..and Tita this is Kirsten my girlfriend."

" and ofcourse Hon this is Sharlene my bestfriend for I dont remember already how long."pabirong sabi nito. Nang maramdaman ang bahagyang paghawak ng babae sa mga braso nya at ang pagdampi ng pisngi nito sa mga pisngi nya tsaka lang nya natanto na hindi sya nananaginip at totoong may nobyang bitbit si Dony sa paguwi nito. " Nice to finally meet you Sharlene, I've heard so much about you..wala atang araw na hindi nabanggit ni Dony ang pangalan mo." nakangiti nitong turan muli. Nang hindi sya muli kumibo, nagsalita na lang ang kanyang mommy at nagyaya na papunta sa pinagparadahan nila ng sasakyan.

Habang nasa byahe, hindi nya maiwasan balikan ang lahat ng nangyari kanina. Si Dony.. may Girlfriend na. Nagulat man sya kanina sa pagtawag nito sa pangalan nya ay hindi na nya masyado napansin dahil masyadong okupado ang utak at puso na makita itong muli. Thats the first time na tinawag sya nito sa pangalan nya. "Love.." napalingon si Dony sa kanya. " Yes Shar.. your calling me?" "Huh?" naguguluhang tanong nya. Napalakas ba ang pagbigkas nya? Again she heard him calling her name again, it feels strange, kahit iyon naman talaga ang pangalan nya. For 7 years she's so used to be called "Love", but not for the last 3 years. It make sense to her now, may nobya na pala ito. Naalala tuloy nya ang unang araw na tinawag sya nito ng Love.

First day ng class  nila ni Dony, bilang mga Nursing student. Hindi sila magkaklase sa ibang subject  dahil kailangan ni Dony iadjust ang schedule nito para makapasok naman sa trabaho pagkatapos. Pagkapasok pa lamang nya sa kanyang klase e alam na nyang may mga atensyong nakuha sya mula sa mga kaklaseng lalaki. Bukod sa maganda nyang muka at magagandang pangangatawan e agaw pansin talaga ang makinis at maputi nyang balat.

Nang matapos ang klase nya e nagpadala na agad sya ng mensahe ky Dony para sabay na sila mananghalian. Habang inaantay si Dony eh napagpasyahan na lang nya magbasa basa para sa susunod na klase.

Nang may napasin syang tatlong lalaki na nakatayo ng di kalayuan sa inuupuan nya. Nakita nya na nakatingin ang mga ito sa kanya at para bang tinutulak ang isa sa mga ito para lapitan sya. Dahil sanay na rin naman sya sa ganon e pinagkibit balikat na lamang nya ito at pinagpatuloy ang pagbabasa. Akmang palapit na sa kanya ang isa sa mga lalaki na nandoon ng dumating si Dony at dinampian sya ng halik sa pisngi. "Love, kanina ka pa ba naghihintay? Sorry! medyo nalate ako. Lets go?" Habang sinasabi nito ang mga katagang yun e matalim ang mga mata nitong nakatingin sa binatang palapit na sana sa kanya. Naguguluhan man ay sumunod na lamang sya dito ng hinawakan sya nito sa kamay at iginiya paalis doon.

GirlfriendWhere stories live. Discover now