Chapter 14

159 9 0
                                    

Nakarating sila ng Batangas na para syang sumakay sa roller coaster sa halo halong pakiramdam na naramdaman nya kasama si Dony. Pagod na pagod ang utak nya sa kaiisip ng mga kinilos ng binata. For 5 years that they are apart, him calling her Love still brings warm to her heart. Bakit pakiramdam nya ay mahal talaga sya nito sa paraan ng pagtawag nito. Pinilig nya ang ulo sa iniisip at sinaway ang sarili at pinaalalahanan na may nobya na ang binata. Hindi na dapat nya pinapaasa pa ang sarili. Hindi pa ba sya nagsasawang masaktan at umiyak?

Nagpahinga na mula sila sa kani kanilang kwarto para makapagpahinga muna bago sabay sabay na magalmusal. Magkasama sila ng mommy nya sa kwarto.Nang makapagpahinga at makapagpalit ng damit dumiretso na sila hapag para kumain.

Sila na lamang ng mommy nya ang hinihintay ng makalabas sila ng kwarto. Iginiya sila ng helper papunta sa beach front dahil doon daw inihanda ang agahan. Dalawang bakanteng upuan ang nandoon sa bilog na lamesa, on each side was Dony and Tita Maricel. Dahil alam nyang hindi maghihiwalay ang mommy nya at ang mommy ni Dony kaya inokupa na lamang nya ang silyang katabi nito. Nakita pa nya ang mapanuksong ngiti ni Jairus na nakaupo na din at naghihintay na lamang sa kanila. Bakit ba hindi sya nito pinagtabi ng upuan para sana ay ito ang katabi at hindi ang taong nagpapakabog ng matindi sa dibdib nya. Paano ba sya makakakain ng maayos nito gayong halos mangatog ang kamay nya knowing he's just sitting next to him. After what happened in the car earlier hindi nya mapigilan ang sariling maramdaman ulit ito.

"Anak, are you ok? Ayaw mo ba ng pagkain? May gusto ka ba? I can ask them to prepare for you." magkakasunod na tanong ni Tita Maricel ng mapansin sigurong halos di nya magalaw ang pagkain. "No Tita Im ok po. Salamat."nakangiting sagot nya.

Pinilit nyang ituon na lamang ang atensyon sa pagkain ng magsalita si Dony.

"Try this love.. I mean Shar.." habang nilalagay nito sa plato nya ang longganisa. "Di ba favorite mo yan." nakangiting sabi nito na kababakasan din ng kaunting pagkapahiya sa sinabi. Halos lahat kasi sila ay biglang napaligon sa direksyon nya. "Salamat." ana lang nya ng makabawi sa pagkagulat. Why all of a sudden he's starting to call her love again? Kelan ba sya huling tinawag nito ng ganoon, two or 3 years ago?

"Anak after this me and your Tita Mylene will go to the wet market so we can prepare our food later, may gusto ba kayo? Sharlene? Jairus?" lingon sa kanila ni Tita Maricel ng inilingan nya.

"Tita can I come po, ako na lang po ang magmamaneho. Matagal tagal na din po akong hindi nakakapunta doon at balita ko malaki daw po yun at madaming ibat ibang isda." Pinandilatan nya ng mata ang kaibigan matapos marinig ang sinabi nito. Sinama nya ito para samahan sya at hindi para iwan sya nito kasama pa si Dony.

"Ill come as well." sambit nya.
"Just stay here, you will not like it there."ani Dony ng di lumilingon sa kanya at patuloy lang ang pagnguya.
"Tama si Dony anak, dito ka na lang hindi ka naman sanay sa wet market." segunda ng mommy nya.

Wala na sya nagawa kung hindi magpaiwan sa mga ito ng matapos kumain at nagkayayaan ng umalis.Pabalik na sana sya ng kwarto ng tawagin sya ni Dony.

"Tara dating gawi." nagulat p sya ng biglang kunin parehas ni Dony ang tsinelas na suot na tska tumakbo palayo sa kanya. "What? do you want to see these gone?" Nakagawian na nila ni Dony na maghabulan sa buhanginan simula bata pa sa tuwing pumumpunta sila dito. Ilang tsinelas na din ang nawala sa kanya dahil napapagod na sya makipaghabulan dito. At ngayon iyon lang ang dala nya at hindi yun pwedeng mawala. Tumakbo sya papunta kay Dony at kinuha ang suot nitong baseball cap at tska tumakbo papunta sa dalampasigan. Napatili pa sya ng maabutan sya nito at haklitin nito ang kanyang bewang gamit ang dalawang kamay nito. Sinubukan nyang kumawala pero lalo lamang humihigpit ang hawak nito sa bewang nya. Nang magawa nyang makawala at harapin ito nagtama ang kanilang mata at may kung anong mainit na pakiramdam ang humaplos sa dibdib nya sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya. Hindi nya alam kung paanong bumaba ang tingin nito sa labi nya. Nakita nya kung paanong unting unti bumaba ang ulo ng binata pero bago pa man iyon lumapat sa mga labi nya ay natanaw na nya si Kirsten na nakatayo sa di kalayuan. Bahagya nyang naitulak ang binata na para bang ngayon lang napagtanto ang dapt sana ay gagawin. Sinundan nito ang direksyon ng kanyang tingin at parang itinulos ng makita ang nobya na nakatayo malapit sa kanila.

GirlfriendWhere stories live. Discover now