Chapter 4

149 9 0
                                    

"Ano yun Dony?" tanong nya ng makalabas na sila at makahanap na ng lamesa para kumain. Tumingin lang ito ng mabilis sa kanya at bumaling na muli sa menu para pumili ng makakain. Nang makapili ay tumawag na agad ito ng waiter at binigay ang kanyang order para sa kanilang dalawa.

"Bakit? ayaw mo bang tawagin kitang 'Love'?" Balik tanong nito. "Eh bakit nga? Bakit mo ako tinawag na 'Love'?" pangungulit nya. "I just want to leave an impression na hindi ka pwedeng ligawan." "Wow! ang strict naman ni Daddy!" natatawang sagot nya. Na sinagot naman nito ng matalim na tingin.

Dumating na ang pagkain nila at parehas na silang tahimik na kumakain dahil may mga susunod na dalawang klase pa sila na kailangang pasukan.

Nagulat pa sya magsalita ito. " Im serious Shar, if I need to tell everybody that you're my girlfriend, I will tell them. Nangako ako kay Tito that Ill take care and protect you at any cost. And I dont have any intentions in breaking that, so please cooperate."  Nagtataka man an hindi na sya kumontra pa alam naman nyang pag nangako ito ay siguradong tinutupad nito.

Ang mga sumunod na araw ay mas naging magaan na. Nasasanay na sya sa buhay kolehiyo, hindi man nya ginusto ang kurso noong una ay nagiging interesado na din sya. Pero mas nasasanay na ata sya sa mga kinikilos ni Dony. Sinusundo sya nito sa bahy at pagkaraan ay hinihintay pa sya nito hanggang matapos ang klase nya at ihahatid muli sa bahay nila.

Naging routine na nila ni Dong ang kumain at umuwi ng sabay. Magkasabay ang tapos ng klase nila. Sampung minuto na ang lumipas pero wala pa din ang lalaki, kaya nagpadala na lang sya ng mensahe para tanungin ito.

" Where are you? Are we going to eat lunch
together?"

Nang makalipas ang lima pang minuto ay hindi pa din ito nagpaparamdam. Nagpasya syang tawagan ito pero hindi din ito sumasagot. Sumisibol ang kanyang konting kaba dahil hindi gawain ng binata ang hindi man lang sumagot ng tawag kahit gaano pa ito kaabala sa ginagawa. She decided na puntahan na lang ito para malaman kung ok lang ba ito. Nang malapit na sya sa klase nito e sinubukan nya ulit itong tawagan.Parang kumirot ang puso nya sa nakita. Nakaupo ang binata sa labas ng klase neto kausap ang isang babae na tila ba ang saya saya ng pinaguusapan ng mga ito dahil halos umabot ang mga ngiti hanggang tenga ng mga ito. Nagulat pa sya ng madinig ang boses ng binata sa kabilang linya. "Hello Love! Love?" " Mauna nako Dony" Dinig nyang paalam ng kausap nitong babae. " Ok sige ingat ka, see you later."sagot naman nito. Bago pa sya tumalikod at umalis e nakita na sya ni Dony. "Love!" tawag nito kasabay ng mabilis na paglapit nito sa kinatatayuan nya. "Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa?" magkasunod na tanong nito. Imbes na sagutin e mabilis nyang tinalikuran ito at naglakad palayo.

"Love! Habol na tawag nito sa kanya.Pero imbes na tumigil eh mas binilisan pa nya ang lakad nya. Naiinis sya dito. Kaya pala hindi nito sinasagot ang tawag nya yun naman pala ay abala sa pakikipagusap sa ibang babae. At sino kaya yung babaeng kausap nito? Nililigawan kaya ito ng binata? At magkikita sila ulit nito mamaya. Parang mas nainis sya ng maalala ang sinabi nh binata na para bang hindi ito makaintay na hindi ulit makita ang babae.

Sa sobrang inis nya eh hindi na nya nakita ang lalaking nasa harapan nya at bigla na lamang syang bumangga sa harapan nito.Kung hindi naging maagap ang mga kamay nito na ngayon e nakahawak sa sa kanyang likuran eh baka nasa sahig na ang maliit nyang katawan. Hindi nya mapigilang hindi mapatingin sa muka nito na malapit sa muka nya. Ang makakapal nito kilay, ang mga mata nito na nangugusap na para bang nangaanyaya at ang mapulang labi nito. Napalunok sya sa mga obserbasyon nya sa lalaking sumalo sa kanya.

"Love!" napabalikwas sya ng madinig ang boses ni Dony. Nakalapit na ito at inalalayan sya para makatayo ng maayos at bahagyang nilayo sa lalaki. " Ok ka lang?" tanong sa kanya ni Dony habang pinapalibutan sya ng tingin upang siguraduhin na hindi sya nasaktan. Parang wala sya sa sariling tumango dito. Nagulat na lang sya ng marahang tinulak ni Dony ang  lalaki at bahagyang sitahin ito. " Tignan mo naman ang dinadaanan mo pare!"  "Love!"hatak nya dito. " Im sorry, Its my fault." hinging paumanhin nya sa lalaki at hinatak nya na si Dony palayo doon.

" Bakit ikaw pa ang nagsosory sa mokong na yun?! Ikaw na ang nabangga ikaw pa magsosory?!"  Mahinang sita nito sa kanya. " Kasalanan ko naman talaga. I was the one whose not looking."

Umiling na laman ito at di nakipagtalo pa"Kumain ka na ba?" Tanong nito. Parang bumalik na naman ang inis nya ng maalala kung bakit nga ba sya nandoon at muntik ng maaksidente.

GirlfriendWhere stories live. Discover now