Chapter 13

143 7 0
                                    

Pakiramdam nya ay ito na ang pinakamahabang byahe nya. Hindi nya alam pero ang makasama ito ng sila lang dalawa ay nagbibigay pa din sa kanya ng ibayong kaba.

"If I remember it right yun na ata ang huling beses na nalasing ako." nakangiting lingon nito sa kanya.
"Thank you for looking after me kahit na ako yung nagpromise kay Tito na ako ang bahala sa'yo. Would you mind?" tanong nito nang buksan nito ang  car stereo. Tinanguan lamang nya ito. "Hey why don't you connect your phone and lets listen to your playlist instead."

"Naku wag na baka antukin ka pa sa mga kanta ko at di ka pa makapagmaneho ng maayos." pagak na tawa nya. Totoo naman ang sinabi nya dahil halos lahat ng nakasave na kanta sa cellphone nya ay parang sa broken hearted talaga.Yun ang mga kanta na halos naglalarawan ng sakit nya ng mabigo sa unang pagibig, na pakiramdam nya ay sadyang ginawa para sa kanya.

"Come on just one. Ill choose." pangungulit pa din nito. "Please.." Nang makita nito ang tila pagpayag nya ay ngumiti na din ito. "Please play the last song you listened to." Nang nakita nya ang kantang huling pinakinggan nya ay otomatiko pinindot ng kamay ang kasunod na kanta para lamang magsisi sa huli.

Hanggang kailan ako maghihintay na para bang wala ng papalit sayo?
Nasa'n ka man
Sigaw ng puso ko'y ikaw hanggang ngayon

Kung sana lamang ay nakita mo ang lungkot sa'yong ngiti
Isang umagang 'di ka nagbalik
Gumising ka at ng makita mo
Ang tamis ng sandali ng kahapong 'di magbabalik

Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala ng nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailanpaman
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig

Hanggang kailan ako maghihintay na para bang walang iba sa piling mo?
Nasa'n ka man
Sigaw ng puso ko ay ang pangalan mo.

"At para kanino naman yang kanta mo na yan? Broken hearted ka ba?" nagbibirong sabi nito na agad naman sumeryoso ng makita ang namumuong luha sa mga mata nya. "Hey Im sorry.. I didnt know.. I mean l.. why are you crying?" hinawakan nito ang baba nya at pilit na pinapaharap sa kanya ng magpula ang traffic light light. "Im ok... just drive." aniya ng mapansin nag green na ang traffic light.

"Im sorry if I offended you in any way.. Im just trying to bring the.. old us.. ganito naman tayo dati diba? long drive.. music.. food.. ikaw.. ako.. tayo.."

Tayo? Sana nga merong Tayo noon. Hindi na sya sumagot at tumingin na lamang sa labas ng sasakyan. Hindi na din sya kinulit nito noon at kinausap na lang ulit para sabihin na titigil lang sandali sa susunod na gas station dahil may kailangan bilhin. Nang makakita ng gas station ay tumigil nga ito at tinawagan si Tita Maricel at sinabing may bibilhin lang at susunod na lamang sila.

"May bibilhin lang ako. Ikaw gusto mo ba sumama baka may kailangan ka?" umiling lang sya at agad naman itong bumalik. Inabot nito sa kanya ang binili at pinaandar na ang sasakyan.

"Shar pa open naman ako nung binili ko." Nang maalala ang plastic na nasa kandungam nya e agad nya itong binuksan. May isang tapsilog, isang egg sandwich at dalawang tubig. It reminds her of how they are before. Nananadya ba ito? Nilingon nya ito para sana tanungin pero bigla itong nagsalita.

"Hindi ka pa kumain? Di ba sabi ko sayo magalmusal ka lagi bago ka umalis sa inyo? Oo Shar alam ko na sasabihin mo." panggagaya nito sa paraan nya ng pagsasalita at sadyang pinaliit ang boses. Hindi nya mapigilan pero napatawa sya ng malakas.

"Hindi kaya ako ganyang magsalita grabe ka! Sobrang arte!" Binuksan nya na ang tapsilog at inihanda para kainin ng binata. "Oh kumain kana." abot nya sa pagkain dito pero tinignan lang sya nito na parang naguguluhan.

"Paano ko naman kakainin yan? Feed me please.. not unless you want to drive.." nanghahamong tanong nito.

"Hoy Dony abuso ka na ha! ano ka may katulong? hindi na ako yung kagaya dati na nauuto mo."

"Grabe ka naman love.. panguuto ba yung ginagawa ko dati? wala akong ibang ginawa kung hindi pagsilbihan ka.." nakakalokong sabi nito. Pero isang salita lang ang tumatak sa utak nya. Did he just called her Love?

GirlfriendWhere stories live. Discover now