Chapter 11

140 8 0
                                    

Sa malapit na restaurant na katabi ng Hospital na lang nya inaya si Dony para makabalik ka agad sa trabaho. Naghihintay na lang sila ng pagkain na inorder ng magsalita si Dony. "Can I ask you something?"

"Yeah sure! ano yun?"
"Its about Jairus.. uhmm Is he.. nevermind!"putol putol na tanong nito.

"I never asked him, He did not tell me as well.. why?" may hinala na sya sa gustong malaman nito.
"Wala naman.."
"Well I got a lot of question about him but Im not in a position to answer it and I might be wrong." kibit balikat nyang sagot dito. "Bakit mo natanong? may problema ba?"

"Nothing, I just want to know him better.. Lagi mo syang kasama so I need to make sure that you're with the right person."

"Oh ok.. protective.." pabulong na sabi nya sa sarili nya pero tila nakaabot ito sa tenga ng binata. " Are you saying something?" "Ha? wala.. kain na tyo lumalamig ang pagkain." tugon na lamang nya dito.

"We're planning to go to a beach resort this weekend. Can you clear your schedule? Yun lang kasi yung date na pwede si Kirsten before she fly back to Canada."

"Let me check if I can. If not you can go ahead, di ko naman kaylangang sumama diba?" kahit nagulat na sa nalaman na babalik na pala ng Canada ang dalaga at hindi ito kasabay ng binata ay nakaramdam sya agad ng lungkot dahil alam nyang dadating din ang panahon na ito naman ang aalis ulit.

"You know I cant go without you so please.." mararamdaman ang pakiusap sa boses nito. Kung ganon lang sana kadali lahat. Batid nyang maayos nya agad ang schedule nya dahil madami pa syang leave na hindi pa nagagamit. Ang iniisip nya eh ang sitwasyon na kakaharapin na naman nya sa kaalamang makakasama na naman nila ang nobya nito. Alam nyang wala syang karapatang magselos pero nakikinita na nya ang mga mangyayari at mararamdaman sa oras na makitang magkasama ang dalawa.

"Ill try." sagot na lamang nya dito.Tumango lamang ito at pinagpatuloy na ang pagkain. "Nga pala bakit ka pala biglang nawala kagabi. Hindi ka man lang nagpaalam. Kahit si mommy nagtaka dahil nagmamadali ka daw umalis. May nangyari ba?

"I received a call from Kirsten, I actually forgot that she ask me to pick her up when she's done meeting her friends. Im sorry for not letting you know. Medyo galit na din kasi sya, please let Tita Mylene know that I'am sorry." Tumango tango lamang sya bilang sagot. Kaya naman pala nagmamadali at di na nakapagpaalam pa ng maayos. Ganto pala bilang nobyo ang binata. Iiwan ang lahat para sa taong mahal nito. Hindi nya mapigilang mainggit kay Kirsten, napakaswerte nito sa binata. Sana makahanap din sya ng katulad ng binata. Yung kayang ibalik yung pagmamahal nya. She suddenly felt the rush of emotion. Bakit ba napakahirap kalimutan ang nararamdaman nya dito. She sometimes felt miserable, kagaya ngayon. Kung tutuusin nabanggit lang naman nito ang pangalan ng nobya pero daig pa nya ang niloko ng nobyo sa sakit na nararamdaman nya.

"Hey are you ok?" nagulat pa sya sa tanong ng binata na nagpabalik sa knya ng atensyon dito. "Yeah Im sorry, may naisip lang ako.Are you done? I need to go back." pagkaraan ay sabi nya ng makita ang orasan at halos patapos na ang break nya. "Yup Im done, I'll just get the bill." sumenyas ito sa waiter at hiningi na nga ang bill. Nang makabayad, naglalad na sila ulit pabalik sa Hospital.

"Hindo ka pa ba uuwi?" tanong nya ng mapansin na nakasunod pa din ito kahit nakapasok na sya sa loob ng hospital.

"Uuwi na din, I'll just talk to Jairus a bit." Hinawakan sya nito sa kaliwang braso at hinatak para ilipat sya ng pwesto sa gawi nito ng makitang may makakasalubong sila na medyo may kalakihang lalaki. "Bakit mo naman kakausapin si Jai? Anong paguusapan nyo?" magkasunod na tanong nya dito na nahihiwagaan sa kinikilos nito. Bakit masyadong interesado ito sa kaibigan nya. Meron ba syang kailangang malaman?

Nang marating na nila ang station ay agad na sya nagpaalam sa binata at dumiretso na sya sa staff room para ayusin ang sarili. Pagkatapos ay agad din syang lumabas para harapin naman ang trabaho. Nagulat pa sya ng maabutan pa rin ang binata doon at hanggang ngayon e kausap pa din ni Jairus. Siguro ay napansin sya ng binata at agad itong nagpaalam kay Jairus at sa kanya.

GirlfriendWhere stories live. Discover now