Chapter 5

162 8 0
                                    

Hindi nya ito sinagot at naglakad na lang palayo dito. " Hey! Ano bang problema mo? Kanina ka pa ganyan? at ano nga pala ginagawa mo dun kanina?"Nagtulot tuloy lang sya sa paglakad at natigil lang ng hawakan ni Dony ang braso nya at pililan syang maglakad. Hinawakan nito ang magkabila nyang braso at hinarap sya nito. Tinignan sya nito sa mata at nagtanong "Love, anong problema?" " Wala." matipid na sagot nya at iniiwas ang mata sa binata. " Pag hindi ka sumagot hahalikan kita!" banta nito at binitawan na sya nito at pinagsiklop ang mga braso sa dibdib nito. Bigla sya napaharap dito at sinukat kung seryoso ba ito sa banta nito.Nang makita ang mapaglarong ngiti sa labi nito ay napangiti na lang din sya. "Sige nga Love, kiss me.." hamon nya. Para naman naging balisa ang binata at biglang naging seryoso ang muka. " Hindi mo naman pala kaya eh." patalikod na sabi nya.Hindi nya alam kung pano sya nagkaron ng lakas ng loob ma sabihin yun pero binabayo ng malakas na kabog ang dibdib nya. Gusto ba nya na halikan sya ng binata?

" Uuyy tinawag nya na akong Love.. Love mo ko?" nakaakbay na tanong sa kanya ng binata na nakasunod na pala ito sa kanya.

"Sorry Love hindi na kita agad napuntahan kanina, may reporting kasi kami bukas so I have to discuss it to Karissa dahil Ill have limited time later." So Karissa pala ang name nya. "I thought you'll see her later.." "Yeah! We have one more class later pero baka maging busy na din kaya pinagusapan na lang namin. "At my expense." pabulong na sabi nya.. "Sorry love, may sinasabi ka?" "Wala, sana tumawag ka or nag message ka man lang para hindi ako nagaalala." "I know, Im sorry nagmamadali din kasi sya dahil naghihintay yung boyfriend nya."

Napalingon sya dito bigla at bakas ang pagtataka sa muka nito na pagkaraan ay napalitan ng nakakalokong ngiti. " Yes may boyfriend na si Karissa so wala ka dapat ipagselos." Pinamulahan sya ng pisngi sa tinuran nito. Tinanggal nya ang kamay nitong nakaakbay sa kanya at hinarap ito. "Excuse me mister! Sino naman nagsabi sayo na nagseselos ako aber?!" "Hahahaha! wala.. halika na kumain na tyo." natatawang sagot nito at nagpatiuna ng maglakad.

"Hoy Dony! wag kang feeling! hindi ako nagseselos! At bakit naman ako magseselos?!" Pahabol na sabi nya dito. " Mas maganda naman ako dun no?!" Tumigil si Dony sa paglalakad at hinintay sya at ng magkatapat na sila ay hinawakan nito ang magkabila nyang braso at bahagyang iniangat ang kanyang baba gamit ang isang kamay pra magpantay ang kanilang mga mata." Love tama ka, infact you're the most beautiful person I've ever met" Natigilan sya sinabi nito, wala syang nakikitang bakas na nagbibiro ito. Para na naman sasabog ang kanyang dibdib sa lakas ng kabog nito.Hindi alam kung anong isasagot dito kaya buti na lamang at binitawan sya nito at niyaya na sya kumain.

Hindi sya nakatulog ng gabing iyon. Palaisipan pa din ang sinabi ni Dony sa kanya. Iyon ata ang unang beses na sinabi ni Dony na maganda sya. It might weight nothing pero ang isipin na napapansin din pala sya ni Dony e malaking bagay na para sa kanya. She always feels na kapatid lang ang turing nito sa kanya kahit halos kabaligtaran non ang nararamdaman nya dito.

Naputol ang pagbabalik tanaw nya ng maramdaman nya ang bahagyang pagpisil ng mommy nya sa kamay nya. Hindi man nya sabihin sa mommy nya, alam nyang nararamdaman nito ang sakit na nararamdaman nya ngayon. Kahit pinipigilan ang hindi maluha eh naramdaman nya pa din ang pagpatak ng mga ito. Agad nya itong tinuyo gamit ang likod ng palad nya at humilig na lang sa balikat ng mommy nya. Its as if mawawala o mababawasan nito ang kirot ng kaalamang my nobya na ang kaisa isang lalaking minahal nya at minamahal pa din hanggang ngayon. Sa limang taon na hindi sila magkasama hindi man lang ito nakabawas sa nararamdaman nya sa binata.  At nakumpirma nya ito ngayon dahil ganon pa din ang epekto nito sa kanya. At pakiramdam nya eh dumoble pa iyon sa sakit na nararamdaman nya ngayon. Ni minsan ay hindi nawala sa isip nya ang binata at ito din ang dahilan kung bakit hanggang ngayon e wala pa din syang nobyo o kahit na payagan ang sino mang gustong ligawan sya. Sa matagal na panahon umaasa sya na sana kayang ibalik ng binata ang pagmamahal nya dito.

GirlfriendWhere stories live. Discover now