Chapter 7

151 7 0
                                    

"Babe this is Dony my bestfriend.." binigyang diin nya ang pagkasabi ng bestfriend at bahagyang pinisil ang braso nito na para bang sinasabi na sumakay na lamang sa sinasabi nya. "And that's Kirsten Dony's girlfriend."  Nilahad naman ni Jairus ang mga kamay sa dalawa at pinagpasalamat nya na naintindhihan nito ang gusto nyang ipahiwatig.

"Sorry guys but we really have to go. Enjoy your day!" mabilis na paalam nya at hinatak na ng mabilis ang kamay ni Jairus. palayo doon.

Nadinig nya pang tinawag sya ni Dony pero ayaw na nyang lingunin ito at ayaw ng magtagal pa doon dahil sa kalokohang naisip nya.

Nang makalabas na sa kainan eh tsaka sya tumigil at binitawan na ang kamay ni Jairus na kaparehas nya ding habol ang hininga dahil sa mabilis na paghatak nya.

Paglingon nya dito ay nakasalubong nya ang mga nagtatanong na mga mata nito. Magsasalita na sana sya na biglang may humatak sa kabilang kamay nya at nang malingunan ay si Dony ito na mababakas ang bahagyang galit sa mga mata.

"Im sorry.. what's your name again?" baling nito ky Jairus na para namang gulong gulo sa nangyayari. Nang hindi ito sumagot eh nagsalita na muli si Dony.

"Anyway, Im really sorry but I need to talk to Shar.Don't worry Ill take her home after."

Nagpalit palit ang tingin nito sa kanya at kay Dony at parang wala sa sariling tumango na lamang ito.

"No Jai! We have to go somewhere right?" Pihit sana nya papunta kung nasaan si Jairus pero mabilis ang mga kamay ni Dony para pigilan sya.

"Lets go!" hatak nito at nagmamadali makaalis sa lugar na yun. Nang marating nila ang parking kung nasaan ang sasakyan nito ay tsaka lamang sya binitawan nito. "Get in!" utos nito ng pagbuksan sya ng pinto at hindi pa din kumikilos. Bakas sa muka nito ang pagkairita. "What?! do you want me to—" hindi na nya ito pinatapos at sumakay na sya sa sasakyan. Umikot naman ito sa kabila para pumunta sa driving seat.

Napuno ng katahimikang ang loob mg kotse nito. Wala sa kanila ang gustong magsalita. Hindi nya alam kung bakit sya nito hinatak at bakit ganto na lamang ang inakto ng banana. And where is Kirsten? Ngayon nya lang naalala na kasama nga pala nila ang dalaga kanina. Iniwanan ba ito ng binata para lang hatakin sya?

" So that's your boyfriend huh?" panimula nito ng makahanap na siguro ng tsansa na kausapin sya.
Nilingon nya lamang ito pero hindi sumagot. Ayaw nya na dagdagan pa ang kasinungalingan ginawa nya. Hindi nya alam kung anong naisip nya at nasabi iyon. Masyado ng madaming nangyari na parang hindi na gumagana ang utak nya sa mga tamang gawin. Inabot nya ang cellphone nya at kinalikot iyon para lamang magmukang abala at hindi na pansinin pa si Dony.

Makikinig na lamang sya ng kanta na nakasave sa cellphone nya. Ikakabit na sana nya ang headset sa tenga nya ng bigla pa syang nagulat ng hatakin ni Dony ang cellphone at ibato sa likod na upuan ng sasakyan nito.

"What the he—"

"Sige ituloy mo!" nagbabadyang putol nito sa sasabihin sana nya.

"Ano bang problema mo?!" singhal nya dito. Mabilis lang ang ginawang paglingon nito sa kanya pero makikita ang galit sa mga mata nito.

"Kelan ka pa nagka boyfriend ha?! Bakit hindi ko alam? Alam ba nila Tito? how long have you been together? kilala mo ba ang pagkatao non? have you met his family?" sunod sunod na tanong nito habang nakatingin ba din sa daan.

Ayaw na sana nyang sumagot but Dony hit her soft spot. "Do you even know what is Love?"

"Yes ofcourse! That's what I have been doing for ages!"

Naguguluhan syang nilingon ni Dony na sakto naman tumigil sa stop light. Sandali syang nakipagtagisan dito ng tingin pero sya na din ang unang bumawi at pinaling na lamang ang tingin sa gilid nya.

Sa sobrang inis ay hindi nya mapigilang hindi maluha. Anong karaparang nitong kuwestyunin sya tungkol sa pagmamahal. Porke bat may nobya ito kaya pakiramdam nito eh mas may alam sya sa pagmamahal. She may not be in a relationship but that doesn't mean na wala syang alam dito. She's been secretely loving him since she was 16 and still does.

GirlfriendWhere stories live. Discover now