"Shar look at this parang mas bagay 'to kay Dani kaysa dun sa una nating binili? What do you think?" tinignan nya ang hawak ng kaibigan at napailing ng makita kung gaano kagarbo ang hawak nitong damit.
"Halika na Jai, okay na yung nabili natin. At isa pa baka hindi maging kumportable diyan si Dani, alam mo naman yun bata lang pero parang marunong ng mamili ng damit."Lumabas na sila ng Department Store at dumiretso na sa isang party shop para kunin yung mga pina customized nilang invitation at party favors.
"Kapag ako nagkaanak talaga kukuha ako ng organizer, grabe nakakapagod 'tong ginagawa natin. Bakit kasi hindi ka humingi ng tulong sa Daddy ni Dani." sinamaan niya lang ito ng tingin at dumiretso na ng lakad.
Its been almost 2 years. Nakaya nga niya magisa magbuntis at manganak ito pa kayang magayos lang ng birthday party ang hindi niya kakayanin.
Pagkatapos nila ni Jai sa party shop ay nagpasya na lamang muna sila kumain bago umuwi. Bukas na ang party at ayos naman na ang lahat. Nagpasya siya na sa bahay na lamang ito ganapin kahit na nagpumilit pa ang mommy nya na sa isang event place na lamang.Wala din naman siya masyadong inimbitahan at gusto niya na maging intimate lang celebration. Magiisang taon pa lang naman si Dany at hindi pa ito masyadong mageenjoy kahit pa gaano kagarbo ang birthday party nito.
Ng makarating sa bahay ay hindi na bumaba pa si Jai at may pupuntahan pa daw ito. "Where is mommy?" tanong nya sa Daddy niya ng makita ito sa sala na nagkakape. "Ayun sumama sa Tita Maricel mo paguwi, dumating daw si Dony." para siyang tinulos sa kinakatayuan niya ng marinig ang sinabi ng Daddy niya. Si Dony umuwi? Bakit? Bakit ngayon?
"We didn't tell anything. But don't you think he deserve to know the truth? Don't you think they both deserve to know each other?" pukaw sa kanya ng daddy niya ng siguro ay mapansin ang kanyang reaksiyon.
Ng malaman niyang buntis siya noon kinausap niya agad ang mga magulang niya. She always thanked God for blessing her with a very understanding parents. Wala siyang inilihim sa mga ito. They also supported her when she decided not to tell Dony about her pregnancy. Tita Maricel was no clue as well. Though she keeps on telling that Dani looks like Dony when he was small. Which she always answered na si Dony ata ang napaglihiian nya during pregnancy. Nagulo na niya ang buhay nito with Kirsten ng may mangyari sa kanila at ayaw na niyang maulit pa iyon.
She went to where is Kirsten staying 3 days after the incident. She really needs to talk to her. She needs to own up her mistakes.Walang kasalanan si Dony at hindi nito kailangan magdusa para sa pagkakamali niya.
"What are you being sorry for? Are you being sorry for fucking Dony? Or are you sorry because you got caught?" matalim na tanong nito. "He's not even sorry for both, and you're here apologizing. Give yourself a little respect and please, he doesn't deserve you." yun lang at tinalikuran na siya nito.
"I know how hard you've tried to be everything that Dani needs. But he needs a father. Her father is here. Do you want your daughter to grow thinking how is it to feel having a father growing up? Give them a chance. Give your self a chance to heal." nanghihina siya sa mga sinabi ng daddy niya.
After all this time akala niya sapat na siya. Ginawa naman niya ang lahat para maiparamdam dito kung gaano nya ito kamahal hindi ba iyon sa sapat? Kulang pa ba? Kulang ba siya?
"Remember how much you cried when I was not able to attend your family day in school because I was stuck in a meeting? Do you remember how you asked mom why you're celebrating fathers day when Im not there to celebrate it with you. I have a high respect to the single mother out there. But Im sure if they have a choice or a chance they will want to have a complete family or at least a father around for their children."
Kanina pa siya nakahiga pero hindi pa din siya makatulog. Iniisip niya ang sinabi ng Daddy niya kanina.Kahit parang tutol siya ay narealized niyang tama ito. Hindi tamang ipagkait niya kay Dani ang makikilala ang ama nito. She's about to call Dony when she received a text message from him.
Im outside. Go down. We need to talk.

YOU ARE READING
Girlfriend
RomanceWill loving him secretly be enough for her to be happy or does keeping it to herself means hurting and consuming all the love she can give.