Chapter 2

192 9 0
                                    

Nagising sya sa tunog ng cellphone nya at ng makita kung sino ang tumatawag ay parang mas naisip nyang wag na muna sagutin iyon. Pero makulit ang tumatawag at ngayon naman ay nagpadala ng sunod sunod na mensahe.

Goodmorning Love!

Hey gising na malelate na tyo.

Sharlene San Pedro gumising ka na dyan!

Love its really getting late, we have appointment.

Natatamad man bumangon ay ginawa nya na at nireplayan na si Dony.

Goodmorning Love! Ill get ready na.

Hindi nya alam kung pano natapos ang dinner nila kagabi. Halos lumipad ang isip nya ng malaman nya na my plano pa lang mangibang bansa si Dony. Its not that she didnt know about it. Dati pa naman sinasabi ni Dony na gusto nito magtrabaho sa ibang bansa pero hindi nya naisip na pwdeng pwede na pala nito tuparin ang pangarap nito ngayon. Palaging sinasabi ni Dony na gusto nito magtrabo sa ibang bansa dahil mas malaki ang kita dun kumpara dito sa Pilipinas at makakaipon sya agad para maipagpatuloy ang pangarap na maging doctor.Hindi sya handa at hindi nya din alam kung magiging handa nga ba sya na mahiwalay dito.

Love Im already down, Ill wait inside the car so we can go immediately when your done.

Pagkabasa ng mensahe ni Dony ay dali dali na syang bumaba at pumunta kung san nakapark ang sasakyan nito.Pagkakita naman nito ay agad itong bumaba ng sasakyan at binigyan sya ng mabilis na halik pisngi. " Hi Love! sorry! late na ba tyo?" tanong nya. " No its ok, our appointment is at 10:00 may isang oras pa tayo, sana lang hindi traffic." Pinagbuksan sya nito ng pinto at inalalayan sya makasakay at pagkaraan ay mabilis itong pumunta sa driver seat.

Binabaybay na nila ang daan papunta sa review center ng buksan ni Dony ang topic tungkol sa plano nitong pagalis. " Love, about last night.. uhmm you know it already right? sinabi ko naman sayo ang plano ko di ba?" Bahagya itong lumingon sa kanya para makita ang magiging reaction nya. Nalungkot man ay hindi na nya iton pinakita dito. Nabuo na ang plano nya na kahit mahirap ang malayo dito e susuportahan pa din nya ito sa mga pangarap nito. "Love, I know.. I understand." kahit pinipigilan nya ang sariling ay bumalakas pa rin sa kanya ang lungkot. Napalingon sya sa gawi nito ng maramdaman ang mainit na palad nito na kinuha ang mga kamay nya at pinatong sa binti nito at manaka nakang hinahaplos. She find comfort on those touch na para bang pinapawi nito ang lahat ng lungkot na nararamdaman nya ngayon.

Natapos na nila ang mga gagawin ng araw na yun. Nakapagenroll na sila sa review center at nakapagpasa na din ng mga requirements na kakailanganin para sa board exam. May dalawang buwan pa bago dumating ang araw ng exam pero para bang ayaw nya dumating ang araw na yun.

"Love magdinner na lang muna tayo bago kita ihatid sa inyo?" tanong nito habang naglalakad sila papunta kung saan nakaparada ang sasakyan nito. "Okay."aniya.

Kumain sila sa isang reastaurant na paborito nilang kinakainan sa tuwing lumalabas sila. " Love kanina ko pa napapansin na wala kang kibo, may problema ba?"tanong nito. Napatingin sya dito na para bang ngayon lang nya nalaman na magkasama sila. Umiling na lamang sya bilang sagot sa tanong nito. "Come on love what is it?" pangungulit na tanong nito. Nang hindi pa din sya sumagot ay lumipat ito sa tabi nya para patuloy pa din sya tanungin. "Love is it still about me going to Canada? I thought napag-" "I know hindi ko lang talaga mapigilang hindi isipin ang pag alis mo." sansala nya sa sasabihin pa sana nito. " We basically grew up together and the thought of you not being with me is killing me already. Sino na makakasama ko sa tuwing aalis ako? Sino na ang tatawagin when I needed help? or sino na ang susundo sakin when Im too drunk to go home?" Bigla itong napalingon sa gawi nya at mababalakas ang bahagyang galit sa mga mata nito. " And who told you that your allowed to get drunk or even to sip alcohol Ms Sharlene San Pedro when Im not around huh?" " Ofcourse I will not but.. Ill miss you for sure." Naluluha nyang sabi dito. Hinawakan nito ang baba nya at bahagyang iniharap ang muka nya paharap dito "Love Ill miss you too, but we have to do what we have to do right?"

GirlfriendWhere stories live. Discover now